ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pagbati kay Paolo Ballesteros bilang Best Actor sa 2016 Tokyo Int'l FilmFest, bumuhos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bumuhos ang pagbati sa "Eat Bulaga" dabarkads na si Paolo Ballesteros matapos magwagi bilang  Best Actor sa katatapos na Tokyo International Film Festival para sa kaniyang pagganap sa independent film na “Die Beautiful.”

Binigyang-buhay ni Paolo sa pelikula ang karakter na si Trisha, isang transgender woman na ang huling hiling ay manatiling maganda kahit sa kamatayan.

Ayon kay Direk Jun Lana sa isang Instagram post, “Paolo Ballesteros is Tokyo's Best Actor!!!!!”

Dahil sa nakuhang pagkilala, kahanay na umano si Paolo ng mga "elite list" ng Filipino actors na nagwagi ng karangalan mula sa mga kinikilalang international film festival, ayon pa sa batikang direktor.

 

Sa isang report mula mismo sa TIFF, inilarawan si Paolo bilang isang “exquisite newcomer” na nagpakita umano ng “dynamite performance.”

Tulad ng pagrampa niya sa red carpet para sa nasabing international film festival, muling ipinamalas ng Kapuso host-actor ang kaniyang galing sa make-up transformation sa awards night ngayong linggo.

 

A photo posted by Jun Robles Lana (@junrobleslana) on

Nauna nang nakuha ng “Die Beautiful” ang Audience Award matapos itong ipalabas bilang isa sa mga opisyal na kalahok sa  29th Tokyo International Film Festival.

 

#DieBeautiful just won the Audience Award here at #tiffjp! We love you, Tokyo!

A photo posted by Jun Robles Lana (@junrobleslana) on

 

 

TOKYO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL BEST ACTOR! Thank you!!! #DIEbeautiful #TIFFJP #orActress #JuliaRoberts

A photo posted by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Sa naunang pahayag, sinabi ng Kapuso host-actor na pinapanalangin niyang makatanggap ng award, hindi para sa sarili kundi para sa mga nakasama niyang bumuo ng pelikula.

Aniya, “Kung nahirapan ako, mas nahirapan sila, 'yung mga staff namin. If ever na nag-e-expect ako ng award, it's for everyone, bonus na lang 'yung akin." 

 

Maliban sa “Die Beautiful,” bida rin si Paolo sa pelikulang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” kung saan bida rin sina Anne Curtis at Dennis Trillo.

Ang "Eat Bulaga," kaagad nag-post sa kanilang Facebook account para batiin si Paolo sa nakamit nitong tagumpay.

Nag-trending din sa Twitter ang pangalan ni Paolo dahil sa dami ng mga bumati sa kaniyang pagkapanalo.

 

-- FRJ, GMA News