ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Kim Domingo is FHM's January 2017 cover girl


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 


Kung noong 2015 ay isinara ni Kim Domingo ang taon bilang December cover girl ng FHM Philippines, bubuksan naman ngayon ng Kapuso Pantasya ng Bayan ang 2017 bilang pambungad na cover girl para sa January issue ng nabanggit na men's magazine.

Sa website ng FHM Philippines, ipinasilip ang ilang sexy photos ni Kim na magiging laman ng babasahin. Bahagi rin nito ang naging panayam sa Kapuso sexy star.

 


"Yung biggest challenge ko ngayon is kung paano ako tatagal sa industriya," saad ni Kim sa naturang panayam. "I want to prove to everyone that talent still reigns. Ang pagiging Pantasya ng Bayan ay hindi kasing simple ng pagpapakita ng katawan. Sex appeal is beyond showing skin."

 


Bukod sa pagiging cover girl ng iba pang babasahin, kabilang din si Kim sa mga Kapuso star na napiling calendar girl ng iba't ibang produkto.

Sa nakaraang botohan ng 2016 Sexiest Pinay ng FHM, napabiling si Kim sa Top 10 final list.

WATCH: Kim Domingo makes #TrumpetsChallenge even sexier

Mabibili ang FHM January 2017 issue sa mga supermarket, convenience store, newsstand, at mga bookstore, at mayroon din itong digital copies. -- FRJ, GMA News