ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Liza Diño: People behind ‘Oro’ lied to us ‘out of panic’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang si Film Development Council of the Philippine chairperson Liza Diño-Seguerra sa mga dumalo sa pagpupulong ng MMFF executive committee, Philippine Animal Welfare Society (PAWS), at ng production team ng “Oro” nitong Lunes upang pag-usapan ang kontrobersyal na eksena sa pelikula na may kinatay na aso.

Sa pagpupulong, inamin umano ng mga bumubuo ng pelikula na totoong aso ang namatay sa pelikula. Ngunit nangyari umano ito bilang bahagi ng kultura sa lugar kung saan ginanap ang shooting at hindi upang mapaganda lamang ang pelikula.

Sinabi rin ng mga kinatawan ng “Oro” na hindi nila agad sinabi ang katotohanan nang tanungin sila ng MMFF executive committee sa special screening ng pelikula bago magsimula ang film festival.

“The representative of ORO who was present during the EXECOM screening of ORO admitted to lying to us and those present when she said they used a goat and prosthetics during the dog scene. They said it was out of panic,” pagbabahagi ni Liza sa isang Facebook post nitong Martes.

Dagdag pa niya, “A real dog was killed during the filming of the movie. No one from the production did the actual killing of the dog. The dog killed and gutted in the film was the same dog seen alive during the establishing shot.”

Inamin din ng mga bumubuo ng pelikula na nakatanggap sila ng mensahe mula kay MMFF Marketing Committee member Ida Tiongson, na makipag-ugnayan sa PAWS kaugnay ng kontrobersyal na eksena.

Natanggap din umano nila ang mungkahi na maglagay ng disclaimer sa pelikula na nagsasabing 'no animal was harmed during the filming,' ngunit hindi ito nagawa.

Sa naunang pahayag ng direktor na si Alvin Yapan, iginiit niya na hindi sila pumatay ng aso “para lang sa pelikula."

Paliwanag niya, “Hindi ko inimbento ang metapora ng aso dito para lang pumatay ng aso sa loob ng isang pelikula para lang pag-usapan. Nasa tunay talagang pagsasalaysay ng testigo sa Gata 4 Massacre na bumalik siya para singilin ang Patrol Kalikasan para sa kinatay nilang aso. Dahil nga kumakain ng aso ang Patrol Kalikasan, kasi nga tradisyon ang pagpulutan ng aso sa inuman sa ilang probinsiya sa bansa.”

Giit naman ng PAWS, paglabag sa RA 8485 o Animal Welfare Act ang ginawa ng mga bumubuo sa “Oro,” at kailangan nilang managot sa batas sakaling mapatunayan ang kanilang pagkakasala.

Nais din ng grupo na mabawi ang mga parangal na natanggap ng pelikula at matigil ang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Kasalukuyang nangangalap ng ebidensya at testigo ang animal welfare group laban sa production team ng “Oro.” —ALG/FRJ, GMA News