ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Encantadia' is extended on GMA Primetime


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kasabay ng patuloy na pamamayagpag sa rating, may magandang balitang hatid na bumungad sa cast, crew, at mga tagasubaybay ng hit Kapuso fantasy series na “Encantadia” ngayong 2017— extended ang pagpapalabas nito sa telebisyon.

Patuloy na mapapanood ng Encantadiks ang kuwento nina Sang'gre Amihan, Sang'gre Alena, Sang'gre Danaya, at Sang'gre Pirena gabi-gabi sa GMA Primetime, at magiging kaabang-abang pa rin ang mga twist ng remake at retelling ng serye na unang nasilayan sa telebisyon noong 2005.

Nito lang linggo, ipinakilala na ang bagong karakter na si Helgad, isang Nymfa na bibigyang-buhay ng Kapuso actress na si Wyn Marquez.

Nauna nang ipinakilala noong nagdaang taon ang mga bagong karakter na kinabilangan nina Adhara, na binigyang-buhay ni Sunshine Dizon, at si Lilasari, na ginagampanan naman ni Diana Zubiri.

Bukod sa pagsubaybay sa telebisyon, maaari na ring makabili ng Encantadiks ang iba't ibang official “Encantadia” merchandise online.

Click here for more of "Encantadia' exclusive videos:

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News