ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera: 'This year, it's time to return to primetime'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Magbabalik na sa primetime ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ngayong taon!

Ito ang kinumpirma ng aktres sa isang Instagram post nitong Lunes, kung saan makikitang kasama niya ang GMA executives na sina Lilybeth Rasonable, Redgie Magno, at Cheryl Ching-Sy, at ang talent manager na si Rams David.

Aniya, “Thank you to my GMA Family who always comes up with so many wonderful offers/projects for me. This year, it's time to get back to work and return to primetime!”

 

 

Matatandaang maliban sa pagganap niya sa “Encantadia” at “Sunday Pinasaya,” namahinga muna sa paggawa ng programa si Marian matapos isilang si Maria Letizia, ang panganay na anak at unica hija nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Huling bumida ang Kapuso star sa primetime noong 2014, nang makatambal niya ang phenomenal actor at Pambansang Bae na si Alden Richards sa teleseryeng “Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.”

Kamakailan lamang, kinilala ang aktres bilang isa sa 25 Iconic Women ng Mega Magazine para sa kaniyang naging ambag sa industriya at pagiging inspirasyon sa mga Filipina.

Paglalarawan nila kay Marian, “She is beauty. She is grace. She is Iconic. With effortless energy, Marian Rivera is a vision of a woman coming full circle with a renewed sense of wisdom and purpose.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

Tags: marianrivera