ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janine Gutierrez, 'di naiwasang kabahan sa kaniyang rape scene sa 'Legally Blind'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang araw pa lang daw na nagte-taping para sa bagong afternoon series na "Legally Blind," napasabak na kaagad si Janine Gutierrez sa rape scene, kasama si Marc Abaya.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing na-challenge si Janine nang sumabak sa mga maselang eksena ng naturang serye.

Hindi umano naiwasan ng magandang aktres na kabahan at matakot nang kunan na ang rape scene, at kasama niya sa eksena si Marc.

Inihayag din ni Janine ang paghanga sa husay ni Marc bilang isang aktor.

"Nagulat ako ang galing niya. Makikita mo bago kunan yung eksena na talagang nagpi-prepare siya, na ako habang hihintay ko din na mag-action, natatakot ako sa hitsura niya," kuwento ng dalaga.

Maliban sa rape scene, sumabak din si Janine sa mga action sequences sa serye.

"Lulusot siya sa salamin, mauuntog, mahuhulog sa bangin, madidiskubre sa putikan so talagang sobrang napakahirap," patuloy niya.

Nauna nang sinabi ni Janine na ang "Legally Blind" na ang pinaka-challenging na serye na kaniyang kabibilangan.

Napapanahon daw ang istorya ng "Legally Blind" at tiyak makakarelate ang viewers lalo na pagdating sa kuwento ng pagbangon at pag-asa.

Bukod sa "Legally Blind," dagdag na blessing kay Janine ang pagiging bagong host ng programang "Day Off," kasama si Ken Chan.

Sa 12th anniversary ng "Day Off," mas maraming mga Kapuso ang mabibigyan ng tulong lalo na ang mga Kapusong OFWs.

"May puso yung show at it is nice na kami ang makakapag-reward sa kanila, ang magpapasyal sa kanila," saad pa ng aktres.-- FRJ, GMA News