ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
BACK TO BASICS

Glaiza de Castro's new album features 'stripped down' tracks, OPM revivals


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang halos dalawang taon mula nang ilabas ang kaniyang self-produced album na "Synthesis," magbabalik sa paggawa ng musika ang Kapuso actress at "Encantadia" star na si Glaiza de Castro ngayong 2017.

Ayon kay Glaiza sa isang panayam nitong Martes, buo na ang kaniyang bagong album, na maglalaman ng iba't ibang revivals at "stripped down" tracks.

Paliwanag niya, "Back to basics ako ngayon. Lahat, stripped down. Before, ang daming nangyayari. Parang lahat ng influences ko ay pinagsama-sama ko. Ngayon, nag-stick ako sa basics."

"I'm sure, refreshing itong pakinggan dahil walang drums or bass. Kung meron, very minimal sa ibang tracks," dagdag pa niya.

Mapupuno rin umano ng Tagalog songs ang kaniyang bagong album, na maaaring ilabas sa darating na summer.

Aniya, "This time, may revivals ako, at lahat 'yun ay OPM. Nag-focus ako sa Tagalog songs. Lahat ng eight songs, Tagalog."

 

 

A post shared by Glaiza Galura (@glaizaredux) on

 

Ilang masuwerteng tagahanga ni Glaiza ang nakarinig na ng isa sa mga awiting maririnig sa kaniyang bagong album.

Masaya ang Kapuso actress na naging positibo ang pagtanggap ng mga tao sa kaniyang kanta, at hindi na raw siya makapaghintay na ibahagi pa ang lahat ng mga bago niyang kanta.

Kuwento niya, "Isang gig nga, sa isang befit gig, kinanta ko 'yung isang bagong song ko. Ang sabi ko, huwag muna nilang i-video. Gusto ko lang i-share dahil natutuwa akong nakatulong sila sa fundraising gig. Na-excite naman sila."

READ: Glaiza de Castro receives Gold Record award for ‘Synthesis’ album

Mapapanood na ba muli si Glaiza sa isang concert?

Hiling ng aktres, "Sana 'yung 'Encantadia' cast ang magka-concert. Halos lahat kami, performers, so why not? Ready na kami."

-- FRJ, GMA News