GMA News Online
Showbiz

Maryo J. de los Reyes turns down remaking own movie

September 16, 2007 10:09am
Nagbigay ng thanksgiving party for the cast and the director ng magtatapos nang primetime soap ng GMA-7, ang Impostora. The thanksgiving party was held last Saturday night, September 15, sa Finio restaurant sa Tomas Morato.

Tapos na ang taping ng Impostora and like all the others, naghihintay na lang ang director nito na si Maryo J. de los Reyes ng next project niya which will definitely be on GMA-7.

"May offers pero nothing definite yet," sabi niya.

Isa sa mga movies na nabili ng GMA Films sa Viva Films para gawing Sine Novela ay ang Saan Darating Ang Umaga? (1983) na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Raymond Lauchengco, Jaypee de Guzman, and the late Ms. Nida Blanca and Nestor de Villa. Idinirek ito ni Maryo at ito ang nagbigay ng unang acting award kay Maricel sa FAMAS as best supporting actress pagbalik niya bilang teen star.

Balitang kay Direk Maryo inu-offer ang remake ng Saan Darating ang Umaga? nguni't tinanggihan niya na pala ito.

"Wala lang, basta," sabi ni Direk Maryo nang tanungin kung ano ang dahilan ng kanyang pagtanggi.

"I don't want to touch my movies. Tapos na ako doon. Give me other materials to do, marami pa naman diyan. Okay lang sa akin na ako ang magdirek ng ibang remake but not my originals," paliwanag niya.

Ang isang siguradong gagawin ni Direk next year ay ang Bagets 3.

"Iyon, okay lang sa akin, hindi naman remake, continuation lang," sabi ni Direk Maryo. "It will be produced by Viva Films and Bagets Foundation at lahat [ng original cast] magsisibalikan to do this. It's called Bagets 3: The Reunion. Sila-sila pa rin. Pati si JC [Bonnin] babalik from the States.'

May ilang kinuwentong parts si Direk Maryo, like kung ano ang nangyari sa ilang cast tulad nina Herbert Bautista (he will be an unmarried father) and Ramon Christopher (he will own a car shop and this time ang makaka love triangle niya ang mismo niyang anak) but some plot points, off the record muna tulad ng kay Yayo Aguila na namatay sa ikalawang pelikula.

Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang nasa cast ng Bagets at sina Aga Muhlach, William Martinez, Eula Vadez, Raymond Lauchengco, Francis M., Jobelle Salvador, Cheska Inigo, to name a few. - Philippine Entertainment Portal