ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

'My Love From The Star' at 'Tadhana,' ilan lang sa mga bagong programa ng GMA ngayong summer


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinakita na nitong Martes ang mga bagong programang ipalalabas sa GMA Network ngayong summer.

Kabilang rito ang “D' Originals,” na pagbibidahan nina Jaclyn Jose, LJ Reyes, at Kim Domingo, na mapapanood na simula April 17 sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood naman simula sa April 23 sa Sunday Grande sa Hapon ang “Follow Your Heart,” ang pinakabagong Kapuso reality game show na pangungunahan ng host-actress na si Heart Evangelista.

Aabangan din sa Sunday Grande sa gabi ng GMA simula sa April 30 ang “Daig Kayo Ng Lola Ko,” isang serye na pagbibidahan ng batikang aktres na si Gloria Romero, kasama ang ilan sa mga kilalang Kapuso child stars.

Para naman sa fans ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, matatapos na ang paghihintay sa May 20, ang unang araw ng pagpapalabas ng kaniyang programang “Tadhana” sa Sabado Star Power sa Hapon.

Nariyan din ang upcoming GMA Afternoon Primetime series na “Impostora” nina Kris Bernal at Rafael Rosell, at ang inaabangang Kapuso Primetime telefantasya na “Mulawin vs. Ravena,” na parehong ipapalabas sa darating na Mayo.

Inaabangan na rin ang "My Love From The Star" na pangungunahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Silipin ang “Kulayan Natin ang Summer” teaser para sa bagong Kapuso shows na aabangan ngayong 2017:

 

-- FRJ, GMA News