ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Stories of 2007 revisited
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on December 29, 2007 Saturday, 8:30 p.m. Ngayong Sabado, muling babalikan ni Jessica Soho ang mga hindi malilimutang istoryang tinampok sa taong 2007 â mga istoryang naging tatak ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Kung ano nga raw ang uso, tiyak na mapapanood yan sa KMJS. Mula sa mga hit na hanapbuhay ngayong 2007 hanggang sa muling pananalasa ng âMari Mar Fever" sa bansa. Muli ring sisilipin ang mga presong sumikat sa buong mundo dahil sabay-sabay nilang pagsayaw ng âThriller" â ang mga dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center. Isa rin sa mga naging tatak ng KMJS sa taong ito ang ilang animal stories. Pero hindi lang sumentro ang usapin kung gaano kayaman ang ating kalikasan sa mga pambihirang hayop, kundi pati na rin sa pang-aabusong pinagdaraanan ng mga ito. Mula sa mga dugong at dolphin ng karagatan hanggang sa mga balinton at puting bising o white squirrel na pinagmamalaki ng Palawan. Punung-puno man ng mga nakakatuwa at nakakaaliw na istorya ang KMJS sa taong ito, hindi pa rin naman nito kinalimutang imulat ang mga manonood sa mga isyung kinakaharap ng ipunan. Naging mainit na paksa ng programa ang hazing na patuloy na nagagaganap sa mga unibersidad. Maging ang talamak na bentahan ng kidney o bato muling naungkat. At sa pagkakataong ito, hindi lang pala sa Baseco, Tondo nagaganap ang bentahan, garapalan na rin pala ito isang village sa Montalban, Rizal. Babalikan din ang paghihirap na pinagdaraanan ng mga Scallop Divers sa Bicol. At sa taong ito, natakam din ang sambayanan sa sari-saring putahe at pagkain na tinampok ng KMJS. Mula sa mabahong buro, maasim na kilawin hanggang sa mga pinapapak na langgam sa mga kabundukan ng Mayoyao, Ifugao. Lahat ng yan muling matutunghayan ngayong Sabado, 8:30 ng gabi sa CMMA Best TV News Magazine of the Year, Kapuso Mo Jessica Soho.
Tags: kapusomojessicasoho, 2007yearender
More Videos
Most Popular