ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Civet hunting, belly reduction, vanishing cultures
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on January 19, 2008 Saturday, 8:30 p.m. Pusa massacre Kamakailan lang, napabalita ang pagpatay sa mahigit sa dalawampung pusa sa loob ng Dasmarinas Village sa Cavite. Dahil dito, muling nabuksan ang isyu ng pagmamalupit sa mga pusa. Tulad na lang sa Palawan, hindi mga pusang gala ang kanilang pinagdidiskitahan. Sa halip, ang isa pang kalahi ng mga pusaâ¦ang Musang. May tatlong paraan daw nang paghuli sa mga ito. Kung hindi nila ito ipinapahanap sa aso, hinihintay na kumagat sa pain nilang silo. At minsan pa, inaakyat nila ang mga ito sa puno. Ang mga musang daw na ito, sobrang mailap⦠pero sobra rin daw ang sarap. Ngunit sapat ba itong dahilan para hindi silang hayaang mamuhay ng malaya sa mga kagubatan. Neurofibromatosis Halos hindi tayo pinapadapuan sa lamok ng ating mga magulang noon tayoây mga bata pa. Pero may isang sakit na maski ano pang gawing pag-iingat ng ating mga magulang, tila wala silang kalaban-laban â ito ang sakit na âneurofibromatosis." Isa sa mga sintomas nito ay ang pagkabukol at pamamaga ng ilang parte ng mukha. Si Jacky, 5 taong gulang⦠hinihinalang may neurofibromatosis. Mula kasi pagkapanganak, kinakitaan na si Jacky ng kakaibang paglaki ng kanang bahagi ng kanyang mukha. Dahil dito, madalas siyang sa loob ng bahay na lamang naglalaro. At telebisyon lang ang pinaka-koneksyon niya sa mundo sa labas. Ang pinagdadaanan ni Jacky, pinapasan pa rin hanggang ngayon ng 25 anyos na si Emmalyn. Tulad ni Jacky, lumaki rin siyang malayo sa mga tao. Mula pagkabata, dala-dala niya ang bigat ng kanyang mukha. At kasabay ng kanyang pagtanda ang paghaba ng kanang bahagi ng kanyang mukha. Dahil dito, kung hindi naman kailangang lumabas, nagkukulong na lang si Emmalyn sa kanilang tahanan. Hanggang kailan maghihirap sina Jacky at Emmalyn sa kakaibang sakit na ngayoây bumibihag sa kanila? Belly Reduction Marami sa atin pinoproblema ang malalaki nilang mga tiyan. Pahirapan daw kasi talaga magtanggal ng mga bilbil sa katawan. Kaya nga kaliwaât kanan na ngayon ang mga klinikang nag-aalok ng mabilisang pagtanggal ng mga âlove handles." At ang isa sa mga pinag-uusapan ngayon ang Tibetan Meridian Therapy Massage. Sa prosesong ito, binabalutan muna ang buong katawan ng benda na para bang sa mummy. Pagkatapos nito ay sisilaban ng apoy ang tiyan ng pasyente. Matapos lang daw ang mahigit dalawang oras na prosesong ito, garantisado raw ang mula kalahati hanggang isang pulagada na mababawas sa iyong bewang. Ito na nga ba ang pinakahihintay ng mga inip na inip nang umimpis ang kanilang mga tiyan? Vanishing Culture Binubuo ng libo-libong isla ang Pilipinas kayaât hindi na kataka-taka kung mayaman din ito sa kultura at tradisyon. Subalit kasabay ng modernisasyon ang unti-unting pagkawala ng kinalakhang paniniwala ni Juan dela Cruz. Tulad na lang sa bulubundukin ng Kalinga, iilan na lamang ang kakikitaan ng mala-etnikong pagta-tattoo. Ang popular na Tingguian weaving naman sa buong Abra, makikita na lang sa isang sitio doon. Sa Palawan naman, iilang magsasaka na lang din ang gumagamit sa ârainmaker," ito ang tradisyunal na pantawag-ulan upang magkaroon sila ng masaganang ani. Bilang na rin ang mga nakakaalam sa sinaunang sistema nila ng panulat gamit ang dahon at tingting. Ilan lamang ang mga ito sa napakaraming kaugaliang nanganganib nang mawala. Ito ay kung hahayaan na lang nating lamunin ng kasalukuyan ang yaman ng ating mga nakaraan.
More Videos
Most Popular