GMA News Online
Public Affairs
»
Wish Ko Lang

Wish Ko Lang

A fading star's wish

February 21, 2008 3:24pm
Episode on February 23, 2008
Saturday, 4:30 p.m.


With her good looks and sex appeal, Jean Elizabeth May easily found her way to showbiz in the 80's and became known as sexy star Cristina Crisol.

Appearing in dozens of movies during her prime, Cristina ably provided for her family. But as in many a celebrity’s life, fame and fortune was ephemeral for Cristina. This Saturday, Wish Ko Lang! aids another former star in need.

Cristina may no longer have her enviable figure of her prime but her face is still as lovely – a reminder of why many men then found her irresistible.

Cristina is now married to a construction worker. For Cristina and her spouse there is nothing more important now than their children’s education. And during tough times, the former star can’t help but wish that the doors of showbiz will open for her again.

Don’t miss the touching story of Cristina Crisol in this multi-awarded program, Wish Ko Lang! Saturday 4:30 p.m. on GMA 7.



Dahil sa angking ganda at alindog ni Jeanne Elizabeth May, napansin siya sa mundo ng showbiz bilang si Cristina Crisol.

Lumabas sa sunod sunod na pelikula at nakipagsabayan sa larangan ng hubaran.

Pero sadyang mapaglaro ang buhay artista. Ngayong Sabado, kilalanin ang pinakahuli sa humahabang listahan ng mga dating sikat na artistang natulungan ng Wish Ko Lang!

Nang makaharap ng grupo ni Ms. Vicky Morales si Cristina Crisol, taglay pa rin niya ang maamong mukhang hinangaan ng marami noon.

Simula nang tumamlay ang karera, malayo na sa karangyaan ang buhay ni Cristina. Mapalad naman siya’t natagpuan ang tunay na pag-ibig sa kaniyang mister, isang construction worker. Simple man ang kanilang pamumuhay masaya na rin daw sila. Ngunit nangangamba ang mag-asawang di mairaraos ang pag-aaral ng dalawa nilang supling.

Kaya naman minsan hindi mapigilan ni Cristina na manabik sa ningning ng industriyang naging bahagi ng kaniyang nakaraan.

Kilalanin ang bagong si Cristina Crisol sa Wish Ko Lang! ngayong Sabado, 4:30 ng hapon sa GMA 7.
Go to comments