ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lovi Poe and PPS Finalist April on Wish Ko lang


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on April 5, 2008 Saturday, 4:30 p.m. In the midst of the summer heat, Wish Ko Lang brings you a shower of tears this Saturday. Featuring the story of former Pinoy Pop Superstar finalist April delos Santos who is now battling with lupus. Even Regine Velasquez and Jaya could not hold back their tears when they learned of April's condition. To cheer up the teen singer, her friends from the Kapuso Network give her a heartfelt surprise. Meanwhile, Lovi Poe makes a special wish for her former yaya Haydee Salvador who is now struggling through life. For a long time, the young actress considered her yaya Haydee as her second mother. What will happen when the two are reunited after 10 years of separation? A group of university student request to grant the wish of an old woman who sells native fans near their school. Lola Maria "Inang" Diamson, 88, endures the scorching heat everyday to make a living for her and her differently-abled son. Being a widow, Inang has no choice but to continue working despite her old age. Will the students be the angels that lend a caring hand to Inang? Watch these heartwarming stories unfold on Wish Ko Lang.
Tag-init na pero tiyak na babaha ng luha ngayong Sabado sa Wish Ko Lang! Tampok ang dating finalist ng Pinoy Pop Superstar na si April Delos Santos na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na Lupus. Maging sina Regine Velasquez at Jaya di napigilan ang pagluha sa naging kalagayan ng dati nilang PPS contestant. Isang madamdaming sorpresang inihanda ng mga taong nagmamahal sa kanya sa Kapuso Network ang umantig sa teen singer. Isang espesyal na kahilingan naman ang handog ni Lovi Poe para sa kanyang dating yaya na si Haydee Salvador. Halos pangalawang ina na ang turing noon ni Lovi kay Yaya Haydee. Ganoon na lamang pag-aalala ng anak-anakan nang malamang nahaharap si Yaya Haydee sa matinding pagsubok sa buhay. Ano kaya ang magaganap sa muling pagkikita ng dalawa matapos ang mahigit sampung taon? At isang grupo ng mga estudyante sa isang kilalang unibersidad ang humiling para sa isang matandang babae na nagbebenta ng abaniko sa labas ng eskwelahan. Siya si Lola Maria “Inang" Diamson na kahit 88 taong gulang na ay kinakaya ang init ng araw para lang buhayin ang kanyang anak na may sakit pa sa pag-iisip. Wala nang asawa si Lola Maria kung kaya’t nais man niyang mamahinga, di ni niya magawa dahil sa kalagayan nilang mag-ina. Ang mga estudyante na kaya ang mga magsisilbing anghel para kay Inang? Tunghayan ang mga istoryang tiyak na aantig sa inyong puso sa Wish Ko Lang.