Ban sa Iraq lalong nagpapahirap sa Pinoy
Good day,
Kabayan, lagi akong nagbabasa ng Pinoy Abroad (section) ninyo. Nakikita dito ang hirap na pinagdaraanan ng mga OFW paglabas ng bansa. Naaawa ako sa mga inabuso ng mga amo at nasa death row ngayon.
Sa madaling salita, talagang sugal ang paglabas ng bansa.
Noong 1990, nasa Singapore ako, katulong. Talagang napakahirap po naman at nang panahong iyon totoong ang mga kinatawan natin doon walanghiya po. Isa din ako sa inabuso doon, 'di napasahod at trabahong kalabaw dahil ang amo ko talagang dugong-beha.
Ang mga katulad naming OFW sa isang daang kinatawan ng pamahalaan para protektahan ang karapatan namin bilang mo talaga ang may takot sa Diyos at makatao. Swerte mo kung doon ka mapatapat, nakikinabang sila sa pawis ng mga OFW. Ito, 'di ba, at ang bulok natin at
matatalinong buwaya sa pamahalaan.
Sa ngayon, pinalad ako na muling makaalis sa agency na pinagkakautangan ko ng loob. Nakaalis ako na walang binayaran kahit isang sentimo. Anglo sa Makati. 2004 dumating ako dito sa Iraq na walang takot na mamatay sa bomba. Takot akong mamatay ang kinabukasan ng mga anak ko at walang laman ang tiyan.
Buhat sa paglilinis ng mga latrine at shower ng mga sundalo, mas maganda ang naging kalagayan namin dito. Dalawang taon at pitong buwan akong nasa housekeeping at Feb 2007 pinalad din maging isang administrative Assistant hanggang sa kasalukuyan sa KBR.
At nang dahil sa BAN na iyan, 'di kami makauwi sa takot na mawalan muli ng trabaho. Ang total BAN ding iyan ang pahirap sa amin. Kung may mahusay na pamamalakad ang POEA dito o may kumikita sa ating namumuno diyan?
Sana masasakop kami ng mga policy as a worker mas malaki ang aming masasahod dahil galit sila sa ating bansa sa mga namumuno diyan, 'di mo din sila masisi dahil pag nahuhuli ang mga papunta dito na worker ng PPI ginawa na nilang gatasan ang kumpanya. Saan napupunta ang pera? 'Di sa mga buwaya ng gobyerno imbes na sa kaban ng bayan ito.
Nang dahil sa isang ANGELO, marami siyang ginutom na kababayan natin. Sayang ang mga panahon. Diyan ba sa atin kikita ka ng $700 o mas malaki pa diyan?
Bulok na sistema. Sabagay 'di sila ang nagugutom. 'Di ba si Juan dila Pobre.
Kung minsan naiisip ko pag tinatanong ako, Pinoy ka ba? Nakakahiyang aminin dahil talamak sa pagnanakaw ang mga buwayang nakaupo diyan.
Alam mo bang kung pinayagan nila ang mga Pinoy ditong legal na makapunta laking dolyar ang naipapasok ng LEGAL 'di sa bulsa ng ga-lobong tiyan na walang kabusugan sa pagpapahirap sa mga OFW.
Pasensya na kabayan, dami pa akong sasabihin baka mapagod na sila.
Juan dila POBRE
- GMANews.TV

advertisement
advertisement
advertisement