GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Malacanang sa NDF: 'Don't ask for the impossible'

May 17, 2008 10:25pm
MANILA - Don't ask for the impossible.

Ito ang tugon ng Malacañang sa National Democratic Front (NDF) nitong Sabado matapos akusahan ang mga rebelde ang pamahalaan na hindi kumikilos para maipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

"For as long as sa loob ng Saligang Batas ang Pangulo handa siya para sa katahimikan at kaayusan. Huwag lang sila humingi ng imposible," pahayag ni Anthony Golez Jr, deputy presidential spokesman sa panayam ng dzRB radio nitong Sabado.

Ang NDF ay koalisyon ng mga makakaliwang grupo tulad ng Communist Party of the Philippines at New People's Army.

Una rito, sinabi ni NDF chief negotiator Luis Jalandoni na naglatag ang NDF ng 13 hadlang sa pagpapatuloy na negosasyon. Kabilang dito ang:

• The terrorist listing of NDFP chief political consultant Jose Maria Sison, the CPP and the NPA;

• The illegal "suspension" of the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG);

• Oplan Bantay Laya I and II and the consequent gross and systematic violations of human rights; the persecution, murder, arrest and enforced disappearance of NDFP consultants;

• The demand for capitulation of the NDFP to the GRP in the guise of prolonged ceasefire before addressing the fundamental problems of Philippine society and the roots of the armed conflict;

• Failure to indemnify the victims of human rights violations under the Marcos regime.

Sinabi ni Golez na pinag-aaralan ng mga "technical advisers" ng pamahalaan ang mga usapin na inihayag ng NDF, partikular ang pag-alis sa NPA sa blacklist.

"Ang mga technical adviser ng Pangulo pinag-aaralan pros and cons, malalaman natin in the next few days," ayon sa opisyal. - GMANews.TV
Go to comments