ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Wage hike and killer mosquitoes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode on May 20, 2008 Tuesday night after Saksi WAGE HIKE Report by Jiggy Manicad Couple Marcial and Noemita have been working as metro aids for the past twenty years. They earn more than two hundred pesos only daily. According to them, this amount is not enough to sustain a living. Soy sauce or cooking oil poured on NFA rice is what their family normally eats. Their family represents many Filipino workers who earn below the minimum wage level. These people’s condition is so alarming that some of them resort to doing illegal things just to make ends meet. This month, a twenty pesos wage hike for Metro Manila workers has been promised. But others say this is not enough. Can a solution still be found to the complicated issue of wage increase in the country? KILLER MOSQUITOES Report by Maki Pulido Acccording to Deparment of Health, the number of victims afflicted and killed by this disease spread by mosquitoes is on the rise. In fact, the highest number of cases ever was recently recorded. An alarming 30% of the figures come from Metro Manila: from the rich and urbanized cities of Quezon City, Caloocan, Pasay, Paranaque, Pasig and Taguig. While the numbers of fatalities increase, what programs are being implemented by the government to prevent the disease from spreading? Are there enough plans to safeguard the lives of people from the killer mosquitoes?
WAGE HIKE Ulat ni Jiggy Manicad Mahigit dalawumpung taong nang metro aid ang mag-asawang Marcial at Noemita. Ang kanilang kitang mahigit dalawang daang piso lang kada araw, hindi sapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Kadalasan, toyo o mantikang isinabaw sa NFA rice lang ang kanilang kinakain. Ilan lang sila sa maraming manggagawang Pinoy na kumikita nang hindi sapat para buhayin ang kanilang pamilya. Dahil sa kalagayang ito, ang iba, kumapit na sa patalim. Isinangkot ang mga sarili sa iligal na gawain para lang madagdagan ang kita. Matagal nang ipinaglalaban ang dagdag sa sahod. At ngayong buwan, dalawumpung pisong umento para sa mga taga-kalakhang Maynila ang ipinangakong ibibigay. Pero hindi pa rin daw ito sapat ayon sa ilang grupo. Sa gitna ng kaliwa’t kanang pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin, wala na raw napupuntahan ang suweldo ng mga manggagawa. May solusyon pa bang makikita sa masalimuot na usapin ng umento sa sahod? KILLER MOSQUITOES Report ni Maki Pulido Sa tala ng Department of Health, patuloy ang pagtaas ng bilang ng sakit na ito na ikinakalat ng mga lamok. Sa katunayan, ang pinakamataas na bilang ng mga biktima ay naitala kamakailan. Ang nakababahala, tatlumpung porsyento ng mga biktima ay naninirahan sa kalakhang Maynila gaya ng Quezon City, Caloocan, Pasay, Paranaque, Pasig at Taguig. Anong mga programa ang ipinatutupad ng pamahalaan upang iwasan at labanan ang sakit na ito? Sapat ba ang mga ginagawang hakbang para pangalagaan ang libu-libong buhay na walang kalaban-laban mula sa mga pumapatay na lamok?