EXCLUSIVES

The Mike Bon Gang, "holistic" ang musical influence

Published On: October 22, 2015, 8:16 PM
Nangingibabaw man sa GMA Records trio ang 80's music, paliwanag ng kanilang drummer na si Cholo Escano na malawak pa rin ang kanilang mga pinapakinggan, hinahangaan at ginagawang inspirasyon.
By CHERRY SUN

Ibinahagi ng The Mike Bon Gang sa panayam ng GMANetwork.com kung ano ang mga nakaimpluwensiya sa kanilang musika.


READ: The Mike Bon Gang launches self-titled album and ‘Umaasa Pa Rin Ako’ music video 

Kuwento ng kanilang vocalist na si Mike Bon, medyo makaluma ang kanyang musical influences.

“More on 80s - U2, Tears for Fears. Mahilig din ako sa heavy like Metallica. Sa ngayon gusto ko ‘yung Thirty Seconds to Mars,” sambit niya.

Dagdag din ni Mike ay maririnig ito sa kanyang pagtugtog ng gitara. Pahayag nito, “Pag naglapat ako, kung ano pinapakinggan ko ‘yun ‘yung lumalabas eh.”

Sumang-ayon naman sa kanya ang bassist na si Jonathan Catacutan. Aniya, “Ganun din, 80s din. Doon talaga [na-influence] ‘yung music namin.”

Nangingibabaw man sa GMA Records trio ang ganitong impluwensiya, paliwanag ng kanilang drummer na si Cholo Escano na malawak pa rin ang kanilang mga pinapakinggan, hinahangaan at ginagawang inspirasyon.

LOOK: The Mike Bon Gang media launch 

Wika niya, “Lahat naman kami holistic ‘yung impluwensiya sa music eh. Lalo na ngayon, with the internet, YouTube, kung ano ano natututunan mo.”

“Basta maganda ‘yung music namin, kahit anong genre pa siya,” patuloy niya.

CONTENT YOU MIGHT LIKE