EXCLUSIVES

Alden Richards, nagpasalamat sa Quadruple Platinum Award para sa 'Wish I May' album

Published On: February 28, 2016, 12:11 PM
Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang kanyang inspirasyon na si Maine Mendoza.

By ANICA SAMODIO

Isang buwan matapos tanggapin ang Triple Platinum Record Award, nakatanggap naman si Alden Richards ng Quadruple Platinum Record award para sa Wish I May album galing sa GMA Records na certified naman by the Philippine Association of the Record Industry or PARI.

Sinorpresa na naman siya ng Sunday PinaSaya hosts na sina Aiai Delas Alas at Jerald Napoles kasama ng executives from GMA Records nang i-announce ang panibagong karangalan na ito ng Pambansang Bae.

READ: Alden Richards tumanggap ng Triple Platinum Award para sa 'Wish I May' album

Nagpasalamat naman si Alden sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya at sa Diyos para sa mga blessings na kanyang natatanggap. Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang kanyang inspirasyon na si Maine Mendoza.

“Malaki po ang pasasalamat ko sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng mga mabubuting tao sa likod ko yung mga sumusuporta. Maraming salamat po for giving me the trust, GMA Records po sa mga sumusuporta po sa akin sa Aldenatics at sa AlDubnation. At syempre kay Maine, thank you” ani Alden sa Sunday PinaSaya.
 

 

READ: Alden Richards and Maine Mendoza define the meaning of love 

Eat Bulaga Kalyeserye Recap: ALdub first on cam kiss 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->