EXCLUSIVES

WATCH: Mikee Misalucha unveiled as GMA Records's #HugotGirl

By Marah Ruiz
Published On: June 18, 2018, 4:19 PM

Ini-reveal na ngayong araw, June 20, na si singer and songwriter Mikee Misalucha ang #HugotGirl ng GMA Records. 

Ini-reveal na ngayong araw, June 20, na si singer and songwriter Mikee Misalucha ang #HugotGirl ng GMA Records. 

Sigurado raw siya na maraming makaka-relate sa kanyang bagong release na single na "Paalam Na."

Isinulat niya ito base sa kanyang sariling karanasan ng heartbreak. 

"I started writing this song with a piano and eventually had my talented friend Ena record it with just a piano as well. For me kasi mas ramdam 'yung sakit 'pag piano lang. Samahan mo pa ng strings eh di lalong mas masakit 'di ba?" pahayag niya.

Dahil isang "hugot song" ang kanta, akma raw ito para sa maulang panahon ngayon.

"Perfect siya ngayon for the rainy season pero kung may pinagdadaanan ka, perfect siyang pakinggan anytime. Actually, kahit wala kang pinagdadaanan, when you listen to this song magugulat ka na lang. Bakit parang ikaw din nakaramdam ng sakit kahit masaya ka naman?" aniya.

Panoorin ang performance ni Mikee ng kanyang original song sa Spotlight Music Sessions.

Ito ang pangalawang paglabas ni Mikee sa online music show. Dati na siyang nag-perform dito ng cover ng "Wag Na Wag Mong Sasabihin" ni Kitchie Nadal.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->