Para sa ilang high school at college seniors, ang kanilang huling buwan ng klase ay nagbago dahil sa pandemiyang dala ng coronavirus.
Mula sa kanilang prom hanggang sa kanilang graduation rites, maraming okasyon ang kinansela o nai-stream online.
Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, nakahanap pa rin ang iba ng paraan para ipagdiwang ang kanilang pagtatapos, at kabilang na diyan ang ilang celebrity kids na hindi hinayaan ang pandemya na sirain ang kanilang munting selebrasyon.
Kilalanin ang ilang anak ng celebrities na nakapagtapos ngayong 2020.
Nagkaroon ng moving-up program ang four-year-old daughter nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos noong April.
Kahit nasa bahay lang, nagbihis pa rin para sa 'quarantined' moving up day ni Luna sina Ryan, Juday, at kanilang dalawa pang anak na sina Yohan at Lucho.
Grumaduate sa high school si Michael Pacquiao, ang pangalawang anak nina Senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao, sa Brent International School.
Sa post ni Jinkee sa Instagram, ipinakita niya kung gaano siya ka-proud sa na-achieve ng kanyang anak. Sulat niya, “You are moving on to a new and exciting chapter in your life. Don't ever entertain doubts about your abilities. God is always by your side. Congratulations my son, you are a graduate now. We are proud parents. We are so blessed! We love you very much.”
Manny Pacquiao and Jinkee Pacquiao's son Michael Pacquiao is now a graduate!
Nakapagtapos ng senior high school ang Prima Donnas actor na si Vince Crisostomo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Vince, ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa De La Salle University, na magsisimula sa Agosto.
Sa pamamagitan ng Zoom, nakapagtapos ang panganay na anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak.
Sa Instagram, pinasalamatan ni Ina si Erika sa pagiging role model nito sa kanyang mga nakababatang kapatid. Aniya, "Despite everything that is happening, you're still able to maintain a bright outlook and be a wonderful role model to your little sisters."
Nakapagtapos sa high school ang kambal na anak sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na sina Andres at Atasha.
Sa pamamagitan ng isang Instagram post, hindi naitago ni Charlene ang excitement nila ng kanyang asawang si Aga para sa future ng kanilang mga anak. Sulat ni Charlene sa caption, "Continue dreaming & reaching for your dreams & putting God first in all your plans and he will lead your path. We love you so so so so much!!!"
Charlene Gonzalez proud of her graduates Andres and Atasha Muhlach
Sa kabila ng COVID-19, natapos ng aktres na si Therese Malvar ang kanyang pag-aaral ng senior high school.
Ayon kay Therese, desidido pa rin siyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kahit na mayroon pa ring banta ng COVID-19. Kasalukuyang nag-e-enroll si Therese sa MINT Colleges sa ng kursong Film.
EXCLUSIVE: Therese Malvar, naghahanda na para sa kolehiyo sa kabila ng COVID-19 crisis
Natanggap na ng babaeng anak ni Karla Estrada na si Magui Ford ang kanyang high school diploma mula sa British School Manila.
Proud na dumalo sa 'virtual' graduation ni Magui si Karla at ang kanyang mga kapatid na sina Daniel Padilla, RJ Padilla, at si Carmela Ford.
Regine Tolentino's daughter, Reigne, finished college at the Ateneo de Manila University last April 9, 2020.
According to Regine, prior to her virtual graduation Reigne has already opened two businesses and has been assisting her with Regine Tolentino Atelier.
Sunshine Cruz's daughter Angelina was supposed to attend her high school graduation last April 6 but had to be postponed due to the pandemic.
Sunshine wrote that even though Angelina has already graduated, she dreams of seeing her march and walk up the stage to receive her diploma.
Kuya Kim's son Jose Hung Atienza III has graduated high school at the International School of Manila last May 29.
The family celebrated Jose's commencement via Zoom and had a mini-ceremony at home.
Rafael Jaworski, the son of actress and equestrienne Mikee Cojuangco graduated high school from Brent International School last May 23.
As a reward for all his hard work, Mikee gave her son Rafael a T-shirt that says “Zoom-a cum laude!” What a fun family!
Although not necessarily a graduation ceremony, Mikee Quintos's sister Louisa had her oath-taking last June 26 making her a certified lawyer.
Louisa Quintos had her oathtaking ceremony via Zoom together with her family members Councilor Wardee Quintos and Manila City Personnel OIC Jocelyn Quintos of Sampaloc, Manila.
Nagtapos ang panganay na anak ni Vhong Navarro na si Fredriek Vhong D. Navarro ng BS Information Technology mula sa University of Santo Tomas. Si Fredriek ang anak ni Vhong sa ex-partner niya na si Bianca Lapus.
Sa kanyang Instagram, ipinagmalaki ni Vhong ang pagtatapos ng kanyang anak sa kolehiyo. Isinaad rin niya na ito ang pinakamagandang regalo na natanggap niya mula sa anak.
Grumaduate sa high school si Maxine Gutierrez, ang bunsong anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, sa Saint Pedro Poveda College.
Sa post ni Lotlot sa Instagram, ipinakita niya kung gaano siya ka-proud sa na-achieve ng kanyang anak kahit na hindi ito opisyal na nakapagmartsa.
Saad niya, “Maxine, I can't wait to see you live your dreams babe! For now, we just stay home and stay safe! That's the most important. Always proud of you.”
Nakapagtapos ng BA Social Sciences ang anak ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino sa University of the Philippines-Manila.
Ipinagdiwang ni Ruby ang pagtatapos ni Toni online dahil kasalukuyang nasa Estados Unidos ito.
Ipinagmalaki ni Kara David ang mga anak ni Cesar Apolinario na sina Remus Cesar, Sofia Ysabell, at Athena Joyce Apolinario nang magtapos ang mga ito sa Eastern Star Academy.
Ayon kay Kara, nagkamit ng Academic Excellence Awardee with Honors sina Remus at Sofia, habang graduating with honors naman si Athena.
“Cesar must be smiling in heaven,” ani Kara nang ipakita ang graduation photos ng tatlong anak ni Cesar Apolinario. Pumanaw ang GMA News reporter noong 2019 dahil sa sakit na lymphoma.