Celebrity Life

WATCH: Sophie Albert opens up about her bedridden father

By Marah Ruiz

Sampung taong gulang pa lang si Kapuso actress Sophie Albert nang magbago ang kanyang buhay dahil sa karamdaman ng kanyang ama.

Sophie Albert

"2001, my dad got a stroke and a heart attack. Ngayon, bedridden siya. Noong time na 'yun, hindi ko siya masyadong naiintindihan eh. Parang I know my dad is sick. I know things aren't going well. 'Yung mom ko, kinailangan niyang mag- takeover ng business," kuwento niya.

"Parang nagulo 'yung comfort zone ko, nagulo lahat. Matagal akong nag-adjust. Matagal before naintindihan ko na this is how it's going to be," dagdag pa niya.

Kahit na 18 taon na ang nakalilipas, mahirap pa rin daw para kay Sophie na makita ang kondisyon ng kanyang ama.

"I try to talk to him, but it's hard pa rin--talking and knowing that he's not going to answer you. It's still hard. It's still hard for me," aniya.

Gayupaman, napagtibay naman ng karanasang ito ang kanilang pamilya.

"We only had each other. Kami lang 'yung nakakaramdam ng ganoong feeling eh. It was a difficult adjusting period but I'm lucky that kaming magkakapatid, naging solid kami dahil doon," pahayag ni Sophie.

Panoorin ang feature sa kanya ng programang Tunay Na Buhay:

EXCLUSIVE: Sophie Albert, hindi takot na ma-typecast sa 'kabit' roles

Carla Abellana at Gabbi Garcia, nag-react sa sexy IG photo ni Sophie Albert