Celebrity Life

Kris Aquino, grateful dahil sa dalawang anak noong Mother's Day

By Marah Ruiz

Nitong nakaraang Mother's Day, very grateful daw si Kris Aquino dahil sa dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.

Lagi daw niyang ipinagpapasalamat na nagkaroon siya ng mga mapagmahal na anak.

"Itong Mother's Day, what more can I ask for? I have two sons who really put me first, who really love me and talagang affectionate towards me," pahayag ni Kris.

Pakiramdam daw niya, kaya niyang harapin ang mga pagsubok basta't kasama ang dalawa.

"Pinaparamdam nila talaga sa akin all the time na when we're together we can accomplish (anything) and we can feel fulfilled.

"Kahit anong storm na dumaan, kahit anong bagyo, kahit anong pagsubok, kaming tatlo, solid kami at nagmamahalan kami," aniya.

Sa isang live video noong Mother's Day, tinupad ni Kris ang pangakong magbibigay siya ng cash gifts bilang tulong sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Nasa Puerto Galera pa rin si Kris at kanyang mga anak. Matatandaang pinasundo pa sila ng private helicopter ni Wowowin host Willie Revillame nang ma-stranded sila sa Boracay matapos ideklara ang enhanced community quarantine.

Pansamantala din silang pinatuloy sa dini-develop nitong beach resort sa Puerto Galera pero lumipat na ng ibang resort sina Kris dahil ayaw niyang abusuhin ang kabutihang loob ng kaibigan.

Panoorin ang latest vlog ni Kris dito: