Celebrity Life

Maricris Garcia, nasilayan ang anak for the first time sa pamamagitan ng ultrasound

By Cherry Sun

Masaya si Maricris Garcia na masilayan sa unang pagkakataon ang kanyang anak.

Ibinahagi ni Maricris na sumailalim siya sa ultrasound at kanyang kinunan ng video ang kanyang sonogram. Ayon dito ay seven weeks at 1 day old ang kanyang nasa sinapupunan.

Aniya, “It was nice to finally meet you my love.”


Inanunsyo ni Maricris ang kanyang pagbubuntis noong May 16. Ito ang kanilang panganay ng kanyang asawang si TJ Cruz.

Ikinasal ang dalawa noong December 2016.

EXCLUSIVE: Maricris Garcia, gusto na ba magka-baby?

Maricris Garcia, inisip na bang iwan ang showbiz?