Showbiz News

EXCLUSIVE: Maricris Garcia, gusto na ba magka-baby?

By Cherry Sun

Mahigit isang taon nang kasal si Maricris Garcia. Gusto na rin kaya ng singer-actress na magkaroon ng anak?

Nagkuwento si Maricris ng kanyang buhay may-asawa sa exclusive interview ng GMANetwork.com.

Aniya, “Masaya. Ako, nae-enjoy ko siya. Paminsan nga parang feeling ko alam mo ‘yung parang, ‘destiny ko ba maging housewife?’ Kasi nae-enjoy ko maglinis, OC kasi ako, may pagka-OC ako sa bahay. Parang alam mo ‘yun kada pag may maurong lang ‘yung door mat, kailangan pantayin ko na siya. Pero, alam mo ‘yun, hindi ako nagrereklamo na ‘Ano ba ‘yan?’ Gusto ko siya na ginagawa so ‘yun, ‘yung mga ganun, nae-enjoy ko.”

Dagdag niya, “Ngayon parang honeymoon stage pa rin. Palagi pa rin kami nagta-travel and ine-enjoy muna namin ‘yung kaming dalawa muna habang wala pang baby,” patuloy niya.

Linulubos man nilang mag-asawa na magkaroon ng quality time, naiisip na rin daw nila na magkaroon ng anak.

Sambit ni Maricris, “Anytime naman kami, anytime kung kailan makabuo at kung kailan kami i-bless ni Lord ng baby.”