Celebrity Life

Yasmien Kurdi, binigyan ng Tagalog challenge ang anak na si Ayesha

By Maine Aquino

Isang nakakatuwang family vlog ang ipinakita ni Yasmien Kurdi sa kanyang Instagram page.

Ayon kay Yasmien, binigyan niya ng Tagalog/Filipino challenge ang kanyang anak na si Ayesha Zara. Kasama pa nila sa masayang challenge na ito ang kanyang asawang si Rey Soldevilla, Jr.

Saad ni Yasmien sa kanyang post, "Dahil Buwan ng Wika ngayong Agosto, ito yung #TagalogChallenge namin para kay #AyeshaZara noong quarantine. #FilipinoChallenge #TagalogChallenge #WikangFilipino #BuwanNgWika"

Ikinagulat naman ni Ayesha ang challenge sa kanya.

Saad niya sa kanyang mga magulang, "I'm not that sanay with Tagalog."

Natatawang kuwento naman ni Rey sa video na tila walang patutunguhan ang kanilang challenge.

"Mahirap itong Tagalog challenge na ito, wala tayong pupuntahan nito."

Panoorin ang kanilang masayang challenge na ito sa video ni Yasmien.

Dahil Buwan ng Wika ngayong Agosto, ito yung #TagalogChallenge namin para kay #AyeshaZara noong quarantine 😊 #FilipinoChallenge #TagalogChallenge #WikangFilipino #BuwanNgWika

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

Yasmien Kurdi prays for the victims of the Lebanon explosion

Celebrity parents, todo-suporta sa online classes ng kanilang mga anak