Celebrity Life

Ellen Adarna, ibinahagi ang larawan nila ni Derek Ramsay na kuha ni Baby Elias

By Aimee Anoc

Hindi naitago ni Ellen Adarna ang tuwa sa anak na si Elias Modesto nang ibahagi niya ang mga larawang kuha nito.

Sa Instagram, ikinuwento ni Ellen kung paano sila ni Derek Ramsay kinuhanan ni Elias ng larawan. Nagpaalam daw si Elias na nais silang kuhanan ng litrato, at sabay sabing, "Mama, Tito Derek... say cheese!"

Marami naman ang natuwa sa mga larawang kuha ni Elias kina Ellen at Derek.

"You guys look so fresh and vital, and energized," biro ni @na.sser7490.

"Ayyy! Ang sweet naman ng Bebelog," pagbabahagi ni @tolosamonica.

"Akala ko 'yung picture mo throwback... grabe mas pretty ka pala 'pag no makeup [Ellen Adarna]," dagdag naman ni @mclmpl02.

Samantala, ibinahagi rin ni Derek ang cute na cute na larawan nila ni Elias habang magka-bonding. Mapapansin na malapit ang aktor kay Elias, na anak ni Ellen sa dating nobyong si John Lloyd Cruz.

"Wingman for today's adventure!" caption ni Derek.

Kamakailan lang ay namanhikan na si Derek sa pamilya ni Ellen. Sa okasyong ito ay nagkita ang kani-kanilang mga ina.

March 2021 nang ma-engage sina Derek at Ellen matapos ang dalawang buwang relasyon.

Kamakailan lamang nang magkaroon ng family trip sa isang resort sa Bagac, Bataan sina Derek at Ellen kasama si Elias. Tingnan dito: