Celebrity Life

Kylie Padilla shares sweet moments with her sons Alas Joaquin and Axl Romeo

By Aimee Anoc

Masayang ibinahagi ni Kylie Padilla ang hindi malilimutang sandali kasama ang kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Sa Instagram, makikitang sweet na sweet na binibigyan ng halik ni Alas ang ina.

"One is making dede and other is making lambing. I love being your mom," pagbabahagi ng aktres.

Samantala, una nang nag-post si Kylie ng video kasama ang anak na si Axl habang namamasyal. Ayon kay Kylie, ang mga anak niya ang lahat sa kanya.

"My everything," sulat niya.

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Maraming netizens ang naantig sa posts na ito ni Kylie.

"Sobrang ipagmamalaki ka ni Alas at Axl paglaki nila," pagbabahagi ni @lavernalthea_acosta_.

"This is so heartwarming," sulat ni @hey_hi_lei.

"Love you Kylie. Napakatapang mo," sabi naman ni @ininobeda.

"I feel you miss [Kylie Padilla]. Mga anak talaga natin ang kukumpleto sa atin," dagdag ni @ever_laveyn.

"Wow, galing naman na mommy [Kylie Padilla]. I salute you," paghanga ni @akosimrsmontojo.

Kasalukuyang na kay Kylie ang dalawa nitong anak na sina Alas at Axl matapos kumpirmahin noong Hulyo na hiwalay na sila ni Aljur Abrenica.

Tignan sa gallery na ito ang sweet moments ni Kylie Padilla kasama ang anak na si Axl Romeo: