Celebrity Life

Buboy Villar, emosyonal nang ihatid ang anak sa airport

By Jansen Ramos

Bumuhos ang luha ni Buboy Villar sa kanyang latest YouTube vlog kung saan ipinakita niya ang bonding moments nila ng apat na taong gulang niyang anak na si Vlanz Karollyn bago niya ito ihatid sa airport para sa flight nito papuntang Amerika. Kasama ni Vlanz sa biyahe ang mga magulang ng ex-partner niyang si Angillyn Gorens.

Mixed emotions si Buboy nang mawalay sa anak pero nangibabaw ang kanyang kalungkutan dahil hindi niya alam kung kailan ito makakabalik ng Pilipinas.

Sa kabila ng pagiging emosyonal, alam ng aktor na para ito sa future ng kanyang unica hija.

Kinailangan ni Vlanz na pumunta ng Amerika para sa kanyang US citizenship. Ang bunso nina Buboy at Angillyn na si George Michael naman ay ipinanganak sa Amerika kaya dual citizen na ang bata. Naiwan ito sa pangangalaga ni Buboy, samantalang mananatili sa poder ni Angillyn sa Amerika ang kanilang panganay na si Vlanz.

Masakit para kay Buboy na malayo sa tabi ng Vlanz lalo pa at mapapanood sa vlog kung gaano sila ka-close nito.

Aniya, "Mamim-miss ko 'yung amoy n'ya, 'yung kadaldalan ng bata na 'to. Alam n'yo, sobrang pasalamat ko sa Diyos na binigay n'ya sa 'kin 'yung ganitong responsibilidad na talagang grinab ko. 'Di na ko nagdalawang isip kaya thank God."

Gayunpaman, thankful siya sa pamilya ng dating kinakasama sa pag-aasikaso ng mga papeles ni Vlanz para sa kanyang future.

Ika ni Buboy, "Siyempre, kailangan nating isipin 'yung future nila, hindi 'yung sa ngayon lang, hindi para bukas, hindi para next year, hindi next week. 'Yung future na 'yung pinag-uusapan.

"Siyempre, hindi rin naman [madali] magpalaki ng bata, of course, kailangan natin tingnan kung ano ang makakabuti para sa kanila."

Taong 2018 pa noong naghiwalay sina Buboy at Angillyn pero nananatili silang magkaibigan para sa kanilang dalawang anak.

Silipin ang moments ng ex-couple kasama sina Vlanz at George sa gallery na ito: