Celebrity Life

Princess Velasco celebrates daughter Sara Bella's 1st birthday

By Aimee Anoc

Masayang ipinagdiwang ni OPM Acoustic Princess at GMA Music artist Princess Velasco ang first birthday ng kanyang unica hija at bunsong anak na si Sara Bella.

Sa Instagram, ibinahagi ni Princess na nagkaroon sila ng double celebration dahil isinabay rin sa kaarawan ni Sari ang binyag nito.

"Our little Princess Sari is [one] today! We love you ningning," pagbati ni Princess.

Ipinakita rin ni Princess ang naging selebrasyon sa binyag ni Sari na dinaluhan ng malalapit na kamag-anak.

"Sari was pabtized at St. John Bosco Parish in Makati -- where Bistek and I got married almost years ago. Also made extra special because Fr. GC Carandang, who officiated our wedding, and baptized Kobe and Milo, was also the one who baptized Sari," pagbabahagi ni Princess.

Ikinasal sina Princess at Dr. Mark Herbert Rosario noong 2013. Ipinanganak ang panganay nilang si Kobe noong 2015, na sinundan naman ni Milo noong 2018.

Samantala, patuloy na mapapakinggan ang bagong kanta ni Princess na "Ang Ating Pag-ibig" sa lahat ng digital music streaming platforms.

Mas kilalanin pa si OPM Acoustic Princess at GMA Music artist Princess Velasco sa gallery na ito: