GMA Logo aiai delas alas
Celebrity Life

Aiai Delas Alas, may sweet birthday message para sa anak na si Sancho Vito

By Jimboy Napoles
Published January 31, 2022 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas


"Salamat sa Diyos at binigyan niya ako ng Sancho Vito," says Aiai Delas Alas.

May sweet at nakatutuwang mensahe si Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas para sa kanyang panganay na anak na si Sancho Vito, na nagdiriwang ng kaarawan ngayong January 31.

Makikita sa post ni Aiai sa Instagram ang mga larawan ng anak at ang kanyang pagbati.

"Happy bday anak ko ... ang aking panganay na minsan parang bunso ... sanay lagi kang maging masaya at laging may work kasi alam kong dyan ka masaya... at wag ka na mag kasakit ulit," caption ni Aiai sa kanyang post.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Nagpapasalamat din daw si Aiai sa Panginoon dahil binigyan siya ng anak na nagpapasaya sa kanya.

Aniya, "Salamat sa Diyos at binigyan niya ako ng Sancho Vito na nag papasaya minsan nakakainis pero madalas malambing kay mama... labyu @sanchovito [Sancho Vito]."

Agad namang nagbigay ng reaksyon si Sancho sa post na ito ng kanyang ina na si Aiai.

"I love you ma!!! Hehehe thank you!!!," ani Sancho.

Source: msaiaidelasalas (Instagram)

Kasalukuyang nasa Amerika si Aiai kasama ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan. Kamakailan ay kinagiliwan din ng mga netizen ang mga TikTok video ng comedy actress habang sumasayaw ito sa snow at nakasuot ng sexy outfit at hindi alintana ang lamig.

Samantala, silipin naman ilang sweet photos nina Aiai at Gerald sa gallery na ito.