Celebrity Life

Kylie Padilla looks mysterious in Francis Libiran creation at the GMA Thanksgiving Gala

By Aimee Anoc

Kahit na abala ngayon sa upcoming film na Unravel, hindi pinalagpas ni Kylie Padilla ang pagkakataon na makadalo sa first-ever GMA Thanksgiving Gala.

Suot ang black gown na likha ni Francis Libiran, solong naglakad ang aktres sa red carpet. May pagka-misteryoso ang look ni Kylie dahil may suot din itong fishnet style gloves at mask sa ulo.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang ideya sa likod ng kanyang look. Aniya, "The story behind this look is darker than it looks but what isn't with anything that I do."

Biro naman ng aktres, "I came to the party to mourn."

Noong July 16, lumipad si Kylie papuntang Switzerland para sa bagong proyekto, ang Unravel, kung saan makakasama niya ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Sa pelikulang ito ng Mavx Productions, Inc., pagbibidahan nina Kylie at Gerald ang karakter nina Lucy at Noah.

Samantala, patuloy na mapapanood si Kylie sa sports drama series na Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG MGA NAGING LEADING MEN NI KYLIE PADILLA SA SERYE AT PELIKULA RITO: