GMA Logo David Licauco
Source: davidlicauco (IG)
Celebrity Life

David Licauco, pasok sa top 10 ng Rexona 10 Miler

By Marah Ruiz
Published March 29, 2026 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14-anyos na babae, patay nang masagasaan ng modern jeep na minamaneho ng nakaidlip na driver umano
La Union wins Miss Universe Philippines 2026 crown
M1ss Jade So, Angel, and Popstar Bench to headline Australia drag shows

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Pasok si David Licauco sa top 10 ng Rexona 10 Miler run.

Muling ipinamalas ni Pambansang Ginoo David Licauco ang husay niya sa sports.

Sumali si David sa Rexona 10 Miler run na ginanap nitong March 29 sa Pasay.

Natapos ni David ang run sa 9th place overall sa 1,500 na participants. Siya rin ang top 1 sa male runners sa age group niyang 30 to 34.

Bago nito, ipinamalas rin ni David ang tatag ng kanyang katawan sa Taiwan leg ng indoor fitness competition na Hyrox.

Si David ang rank 1 sa lahat ng Filipino participants matapos niya magtala ng oras na 01:07:48.

Pinaghahandaan na rin niya ang pagsali sa Hong Kong leg nito na nakatakda ngayong parating na May.

Bukod dito, nakatakdang rin siyang sumabak sa basketball exhibition game laban sa ng aktor na si Gerald Anderson.

Napapanood din si David sa GMA Prime action series na Never Say Die.

Abangan siya dito mula Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.