Celebrity Life

Carla Abellana at Gabbi Garcia, nag-react sa sexy IG photo ni Sophie Albert

By Aedrianne Acar

Isa sa mga hinahangaan at tinitingala ng mga Kapuso pagdating sa pagiging fit at healthy ang Bihag actress na si Sophie Albert.

Sophie Albert

IN PHOTOS: Sophie Albert is your new summer fitspiration

Sa katunayan, nag-viral ang bikini photo ni Sophie na in-upload niya sa Instagram last April 23 na umabot sa mahigit 25,000 likes.

Maraming netizens din ang nag-react sa summer bod ng Kapuso actress pati na rin ang mga dati niyang katrabaho sa primetime soap na Pamilya Roces na sina Carla Abellana at Gabbi Garcia.