Celebrity Life

Aiai Delas Alas, naabot ang kanyang ideal weight

By Cherry Sun

Proud na ipinakita ni Aiai Delas Alas ang kanyang mas maliit na bewang at sexier figure ngayong naabot na niya ang kanyang ideal weight.

Ngayong naka-quarantine ay mas natutukan ni Aiai ang kanyang kalusugan. Sa katunayan, minsan ay kasabay niyang nagwo-workout ang kanyang mister na si Gerald Sibayan at minsan nama'y nag-eehersisyo siya sa gym.

At tulad ni Gerald na successful sa kanyang fitness transformation, tagumpay din ang Kapuso Concert Comedy Queen sa kanyang pagbabawas ng timbang.

Sambit ni Aiai, “HAPPY AND THIN --- na achieve ko na ang 110 (lbs).. papataba nako haha.”

Maliban sa kanyang fitness, abala rin si Aiai sa kanyang sinimulang negosyo ngayong may COVID-19 crisis, ang Martina's Bread and Pastries.