Celebrity Life

WATCH: Carmina Villarroel and Cassy Legaspi's full workout routine

By Maine Aquino

Sa latest vlog ni Carmina Villarroel, workout naman para maging fit and healthy ang kanyang ipinakita sa kanyang mga followers.

Nakasama ni Carmina ang kanyang anak na si Cassy Legaspi para ipakita ang kanilang full workout routine at home. Ayon kay Carmina, ito ay tinatawag na total body strength and HIIT cardio workout from Fitness Blender. Ibinahagi rin ni Carmina na fan siya ng instructor nitong si Kelli.


Bago pa man magsimula ang video, ipinaliwanag na ni Carmina na hindi siya isang fitness expert. Ipinapakita niya lang umano kung ano ang kanilang ginagawang workout routine ngayong new normal.

"I am not an instructor, we are not experts, we are just following Fitness Blender...You can do this at home with or without equipment."

Dugtong pa ng Sarap, 'Di Ba? host, "Ito lang po ginagawa ko, kami. Since we can't go to the gym pa rin."

Sa video makikita na ginawa ni Carmina ang modified version.

"I'm doing the modified version, Cassy is doing the legit version," natatawang pag-amin nito.

Bago matapos ang video, nilinaw ni Carmina na ipinakita lamang nila ang exercise nilang ginawa.

"I'm just showing you kung ano 'yung mga exercises na ginagawa namin dito sa bahay. Kung sa tingin ninyo may mali kaming ginagawang form, sorry po. Gumagaya lang kami. Ang importante we're just moving around and hindi naman namin nai-injure 'yung sarili namin. That is what's important."

Panoorin ang workout routine nina Carmina at Cassy:




RELATED CONTENT:

Carmina Villarroel's YouTube channel hits 100k subscriber mark

Carmina Villarroel shares secret to her youthful skin

Carmina Villarroel, nakaramdam ng matinding takot nang i-swab test