Showbiz News

Carmina Villarroel, nakaramdam ng matinding takot nang i-swab test

By Maine Aquino

Ipinakita ni Carmina Villarroel sa kanyang YouTube channel ang ginawang swab test sa kanilang pamilya.

Inamin ng Sarap, 'Di Ba? host na punong-puno siya ng takot sa swab test. Ito ang first time ni Carmina na na-experience ito.

Saad ni Carmina sa kanyang vlog, "Swab day test for the Legaspi family because meron kaming work. Thank you Lord. We have a new endorsement. Kailangan namin mag-photoshoot on Thursday so definitely kailangan namin sumunod sa mga protocols, at isa na nga dito ay ang swab test."

Ibinahagi rin ni Carmina na hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip sa swab test.



"Guys, hindi po ako nakatulog kagabi kaya masakit ang ulo ko dahil kung talagang kakilala ninyo ako, isa po akong matatakutin at nerbyosa. Super!"

Nauna sa swab test ang kambal na anak ni Carmina na sina Mavy at Cassy Legaspi. Ito ay dahil sila umano ay nauna nang naka-experience ng swab test. Sinundan naman sila ni Zoren Legaspi at ayon kay Carmina ay mas ninerbyos siya sa naging reaksyon nito.

Saad ni Carmina, "Nahihimatay na ako at nasusuka na ako sa nerbiyos."

Panoorin ang naging swab test ng Legaspi family sa new video ni Carmina mula sa kanyang YouTube channel.


WATCH: Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice and Gelli de Belen's K-Drama chikahan

WATCH: Zoren Legaspi and Carmina Villarroel's jojowain o totropahin game