advertisement
Celebrity Life

Lauren Young, Kiray Celis at iba pang celebrities na nakaranas ng body shaming

1 of 20

Denise Laurel 

Ibinahagi ng actress/singer na si Denise Laurel sa Instagram na naranasan siyang tawaging “mataba” habang nasa trabaho. Sa halip na magalit, mas pinili ng celebrity mom na ipaliwanag ang kanyang medical condition. Ayon kay Denise, mayroon siyang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) at ang iniinom niyang gamot ay may side effects tulad na lang na madalas siyang magutom, acne breakout at sakit ng ulo.

2 of 20

Jessy Mendiola

Si Jessy Mendiola ay naging target ng ilang bashers sa pamamagitan ng pagpuna sa kanyang hita at ilong. Nilabanan ni Jessy ang mga bashers sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang body positive message. Anang aktres, "My body may not be perfect but that will not stop me from being confident with myself. I've had my fair share of body shaming comments. So I know how it feels like to be called "FAT" or "TUMABA." Well, just to inform some of you "PERFECT" people, weall come in different sizes and shapes but that shouldn't stop us from being happy with our own bodies."

3 of 20

Kris Bernal

Isang post para sa mga taong patuloy na nagbibigay ng negative comments sa kanyang katawan ang inilabas ni Kris Bernal sa kanyang social media account. Ayon kay Kris ay mas okay na mag-focus sa masasayang bagay kaysa sa insecurities. "I feel good about myself and focus on the fun and not on any body insecurities I might have."

advertisement
4 of 20

Sarah Lahbati

Six months na buntis si Sarah Lahbati nang siya ay nakatanggap ng ilang masasakit na salita mula sa body shamers. Pinaalala ni Sarah na dapat na ay maging positibo at huwag punahin ang ibang tao lalo na ang mga expectant mommies. “Respect pregnant women and think before you judge or open your mouth,” saad ng aktres.

5 of 20

Jasmine Curtis

Ilang netizens ang nagpahayag ng pagkabahala sa biglaang pagpayat ni Jasmine Curtis kaya naman nilinaw niya na walang dapat na ipag-alala dahil maayos ang kanyang kalusugan. Ani Jasmine, "Hi all! Yep, I lost quite some weight recently, nothing to be concerned about. That's what happens when you're all around at home, at work, and at life. And I've been eating fairly clean lately.”

6 of 20

Sharon Cuneta

Sa ilang pumuna ng timbang ni Sharon Cuneta, isang mensahe ang kanyang iniwan. Anang Mega Star, hindi naging madali ang kanyang journey to weight loss, "Well, it's taken discipline and willpower and constantly thinking of bigger things I could achieve without the extra, unhealthy body weight. Also, I developed a casual, nonchalant attitude towards haters.”

advertisement
7 of 20

 Kylie Padilla

Pagkatapos ipanganak ni Kylie Padilla si Alas ay nakaranas siya ng pagpupuna sa kanyang timbang. Isang mahabang inspirational post ang ibinahagi ni Kylie para i-promote ang body confidence. Aniya, “There is no sin in being confident no matter what size, shape, color even race you are. Don't let people shame you. Ok I have said my piece so peace bye!”

8 of 20

Cacai Bautista

Pity umano ang nararamdaman ni Cacai Bautista sa mga taong mahilig mamintas ng kanilang kapwa. Ayon sa kanyang post, “I pity those body shame people in social media, in public, those who bash other people because of their looks. Oh well I am a hall of famer. I make them happy but I PITY them. When they don't see beauty in others, they don't see Beauty in Them.”

9 of 20

Kim Domingo

Asia's Fantasy man ang bansag kay Kim Domingo ay hindi pa rin siya ligtas sa ilang netizens na nagbibigay ng negative comments sa katawan ng ilang celebrities na tulad niya. Ayon sa interview ni Kim, “Para sa akin kasi Diyos na lang ang bahala sa kanila.”

advertisement
10 of 20

Lovi Poe

Kahit na binabansagang "body goals" si Lovi Poe ng ilang kababaihan, may mga pumupuna pa rin na may flat na parte umano ang kanyang katawan. Sa ilang workout photos niya ay nagbabahagi siya ng ilang paalala gamit ang #LoviYourBody para sa body positivity. Aniya, “Move it. Stretch it. Nourish it. Hydrate it. Pay attention to it - the better our bodies feel, the happier and more productive we are...”

11 of 20

Lauren Young

Confidence ang perfect na panlaban para sa mga body shamers. Ayon sa post ni Lauren Young ay proud siya ngayon sa kanyang curves. “I used to be so shy to post my OOTDs because of the fear of reading comments pointing to my body size, but today I'm confident and happy with my curves. Proud to be a balakang babe.”

12 of 20

Bela Padilla

Fun under the sun ang adventure ni Bela Padilla sa Amanpulo, Palawan hanggang sa naging usap-usapan ang kanyang bikini photo. Agad naman itong sinagot ng aktres sa kanyang Twitter account. Aniya, "Shocked by the number of comments on my IG post, pointing out that I have a belly. Yes, I do. It holds my organs that I need to live. It has a layer of muscles that worked hard for in the gym and a layer of fat from the food I enjoy to eat. Deal with it. PLUS, I'm seated."

advertisement
13 of 20

Dominique Cojuangco

Hindi kinaya ng anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco ang mga unsolicited advice sa kanyang katawan kaya naman sinagot ito ng dalaga sa isang Instagram post, "None of us should tolerate body shaming or shaming of any sort! Let's not deem this as “normal” - there's space for change. I hope that today and everyday we can be the type of people that lift each other's spirits."

14 of 20

Mariel de Leon

Body positivity naman ang mensahe ni Mariel de Leon sa mga taong naging biktima ng body shaming tulad niya. Aniya, "I've been a victim of body shaming and bullying. It does take time to learn to love yourself but you'll get there one day. Trust me. It took time for me but I learned to truly love myself, be happy, and not give a damn about what other people think of me."

15 of 20

Gabbi Garcia

Sa isang post ni Gabbi Garcia ay inilahad niyang naging target siya ng bashers sa tuwing nagpo-post siya ng bikini photos. Ilan sa kanilang mga pinupuna ay ang stretch marks at ang kanyang flat chest. Kaya naman nilinaw niya na wala siyang dapat ikahiya sa kanyangpangangatawan.

advertisement
16 of 20

Second body shaming post

Muling pinuna ang pangangatawan ni Gabbi Garcia sa isang event kung saan nagsuot siya ng isang figure-hugging dress. Ilang batikos mula sa netizens ang kanyang natanggap tulad ng "you look like you're two months pregnant" at "laki ng tiyan mo teh!" Isang matapang na sagot ang ipinost ni Gabbi sa kanyang Twitter account. Aniya, "hi to all the “body shame-rs” i'm deeply sorry for how sad your lives are."

17 of 20

Winwyn Marquez

Walang nakikitang masama ang beauty queen/ TV host na si Winwyn Marquez kung nag-gain siya ng weight at muscle. Ito ang sagot niya sa netizen na nagsabing mas maganda ang katawan niya noong sumasali siya sa beauty pageant. Saad ng Kapuso star, “Well, I like my muscles and if mataba 'yan for you… I-search mo 'yung words na 'fit' and 'healthy' sa Google.

18 of 20

KC Concepcion

Matalim ang naging comment sa isang litrato na ipinost ni KC Concepcion. Saad ng netizen, luma na umano ang kanyang photo at dapat ay bago ang ipakita nitong post. "Tabachoy ka na, so be yourself!"

Sagot naman ni KC, "I am my own FITSPIRATION. Why do you have to be harsh? Don't you think people can already be harsh on themselves? It hurts.

advertisement
19 of 20

Lauren Young

Nakatanggap muli ng body shaming comments si Lauren Young pagkatapos niyang matapang na ipahayag ang kanyang opinyon sa isang trending na issue.

Saad ni Lauren, "Oo mataba ako! Ano ngayon???"

Dagdag pa niya, "Body shaming is so 2019."

20 of 20

Kiray Celis

Si Kiray Celis ay hindi napigilang magsalita tungkol sa mga taong walang sawang pumupuna sa kanyang katawan.

Aniya, "Dami niyo pang sinasabi! Di na lang natin i-angat ang isa't isa. Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili eh. Kasi imbes na suportahan n'yo, lalaitin n'yo pa. Kala mo ang peperfect nila! HAHAHAHAHAHAHAHAHA"