Klea Pineda on recent COVID-19 news: 'Dapat katotohanan lamang'
Idinaan ni Magkaagaw actress Klea Pineda sa isang video ang kanyang mga paalala sa kanyang fans tungkol sa COVID-19 o novel coronavirus.
Ang paalala ni Klea? “Dapat katotohanan lamang.”
Aniya sa video, “Mga Kapuso, sa panahon ngayon kailangan natin maging tapat. Kailangan nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID-19.
“Hinihikayat ng Department of Health na sabihin ang lahat ng impormasyon sa ating mga health workers. 'Wag po natin ilihim ang mga aktibidad lalo na kung may kaugnayan ito sa pagbiyahe at exposure natin sa mga may kaso ng COVID-19.
“Importante po ito para makasiguro po tayo na tama ang alaga na maibigay sa inyo at siyempre para hindi na rin kumalat ang sakit.
“Ang inyong katapatan ay maaring makapagligtas hindi lamang ng buhay ninyo kundi pati na rin ang buhay ng ating health workers, at siyempre pati na rin ang mga pasyenteng kanilang inaalagaan.
“Sa panahong ngayon, kailangan katotohanan lamang. Dapat, katotohanan lamang. Kaya mag-iingat tayo palagi at maraming salamat mga Kapuso.”
Ang paalala ni Klea ay kasunod ng balita ng pagkamatay ng isang doktor at ng pasyente nito matapos magsinungaling ng huli tungkol sa travel history nito.
Maliban sa young actress, nagpaaalala rin si Kapuso beauty queen Winwyn Marquez sa kanyang Twitter account tungkol sa pagsabi ng katotohanan tungkol sa travel history kung ito ay may kaugnayan sa kumakalat na virus.
Aniya, “Mga Kapuso… please refrain from lying about your travel history. If masama na talaga pakiramdam or if aware kayo na na-expose kayo sa may COVID-19…
“Sa panahon ngayon, kailangan nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID-19. This is so important para maiwasan natin na mahawaan ang mga doctors, nurses, at iba pang frontline health workers.
“Please, please be honest…. It will help save lives.
“Don't be scared na sabihin ang totoo… If you're not honest with our doctors, nurses, and other frontline health workers, they cannot help you and you're definitely not helping others. Please, magtulungan tayo.
Winwyn Marquez to netizen: “Do I need to report kung ano na-donate ko?”
LOOK: Here's how to stay healthy during enhanced community quarantine according to celebrities