advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Celebrities na tuloy ang pagnenegosyo sa kabila ng quarantine

1 of 25

Kris Bernal

Ang tahanan ni Kris Bernal naging opisina at warehouse na rin para sa kanyang sariling makeup line na SHE cosmestics. Medyo haggard man, masaya raw ang aktres na natutuloy pa rin niya ang kanyang passion project sa kabila ng quarantine.

2 of 25

Alden Richards

Sinarado bilang safety measure alinsunod sa COVID-19 oubtreak, pero may partial operations na ngayon ang Concha's Garden Café branches ni Alden Richards pati na ang kanyang McDonald's franchise sa Biñan, Laguna.

3 of 25

Arny Ross

Open for delivery ang Bon Appetea franchise ni Arny Ross sa Dasmariñas, Cavite.

advertisement
4 of 25

Aiai delas Alas

Ginamit ni Aiai delas Alas ang kanyang culinary skills para magbukas ng bagong negosyo ngayong panahon ng enhanced community quarantine. Open for pick-up ang kanyang masasarap na tinapay sa Martina's Breads and Pastries.

5 of 25

Gabbi Garcia

Nag-o-offer ngayon ng online classes ang music school ni Gabbi Garcia at kanyang kapatid na si Alex, ang Tempo Primo Academy of Music.

6 of 25

Ara Mina

Sarado man ang kanyang physical stores, patuloy ang pagnenegosyo ni Ara Mina mula sa kanyang bahay. Tumatanggap pa rin siya ng order para sa cakes at pastries ng Hazel Berry.

advertisement
7 of 25

Winwyn Marquez

Ang hilig ni Winwyn Marquez sa tinapay, ginawa na rin niyang negosyo, ang @bread.wynner.

8 of 25

Tuesday Vargas

Ngayong tigil muna ang taping at events, ang pagbebenta ng seafood, steak, at special home-cooked meals ang pinagkakaabalahan ni Tuesday Vargas.

9 of 25

Marvin Agustin

Ginamit din ni Marvin Agustin ang kanyang husay sa pagluluto at pagbe-bake at sinimulan ang Mr. VinMunchies.

advertisement
10 of 25

Drew Arellano

Balik na rin sa operations ang sports and performance apparel na Vamos ni Drew Arellano.

11 of 25

Liz Uy

Dahil sarado ang kanyang branches, maaari nang umorder ng cookies ni Liz Uy online sa moodbake.com.

12 of 25

Santino Rosales

Matapang na hinarap ng mag-inang Santino Rosales at former model na si Kai Palomares ang hamon na buksan ang kanilang restaurant at catering business na Kaisaint: skews and brews sa Parañaque City kahit may COVID-19 pandemic. Anak si Santino ng TV/movie actor na si Jericho Rosales.

advertisement
13 of 25

Matt Lozano

Kung hirap din kayo magluto ngayong may modified enhanced community quarantine, puwede n'yo rin subukan umorder sa food business ng pamilya ng GMA Artist Center singer na si Matt Lozano. Maaaring n'yong makita ang kanilang offerings sa kanilang Instagram account @lozanos_kitchen

14 of 25

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo

"Amishu! ituloy na natin ang labing labing mga darling," sabi ni Ryan Agoncillo nang ianunsyo niya ang muling pagbubukas ng Angrydobo. Katulad ng ibang restaurants, sila ay bukas para sa delivery at take out lamang.

15 of 25

Matteo Guidicelli

Business as usual na rin ang Italian restaurant ng pamilya ni Matteo Guidicelli na Da Gianni. Ito ay bukas para sa take out at online delivery.

advertisement
16 of 25

Ken Alfonso

Muli ring nagbukas ng kanyang mga restaurant ang dating GMA artist na si Ken Alfonso. Maaari nang um-order for delivery sa Bueno Tapas and Wine Restaurant at Tartufo Ristorante.

17 of 25

Pauleen Luna, Pia Wurtzbach, Nina Almoro

Open for pick-up, take-out at delivery na ang BesTea. Ito ang milk tea business kung saan magkakasosyo sina Pauleen Luna, Pia Wurtzbach at Chef Nina Almoro. Nagdagdag din sila ng palatandaan sa kanilang store upang siguraduhing nasusunod ang physical distancing.

18 of 25

Vicki Belo

Maigting ang safety measures na ipinapatupad sa muling pagbubukas ng beauty and medical clinics ni Dra. Vicki Belo. Kahit ang celebrity doctor, palagay nang tumanggap ng mga kliyente dahil sa kanilang ipinadisenyong PPE suits, sanitation practices at disinfection, at pati na regular na COVID-19 testing ng kanilang mga empleyado.

advertisement
19 of 25

Gladys Reyes

Nitong Hunyo, muling binuksan ni Gladys Reyes ang kanilang family business na Estela Restaurant. Tumatanggap sila ng orders for take-out at delivery.

20 of 25

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

Kasabay ng muling pagbubukas ng mga negosyo nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kanilang bagong guidelines sa pagtanggap ng mga kliyente. Kabilang dito ang metikulosong pag-check ng tempertature at pag-disinfect bago makapasok sa salon at nail spa na Fit and Form Club at pati na sa cat café na Litterbucks.

21 of 25

Dingdong Dantes

Inilunsad ni Dingdong Dantes ang delivery app na DingDong PH kung saan may kasosyo siyang ibang celebrities at kung saan mabibigyan din ng pagkakataong makapagtrabaho ang ilang apektadong showbiz workers.

advertisement
22 of 25

Marian Rivera

Balik-operations na ang Flora Vida by Marian na negosyo ni Marian Rivera. Pag-anunsyo ng Kapuso Primetime Queen, may bagong collection ang kanyang home-assembled preserved perennial blooms.

23 of 25

Andrea Torres

Dahil sa suporta at panghihikayat mula sa mga kaibigan, sinimulan ni Andrea Torres at ng kanyang pamilya ang food business na Family Favorites PH.

24 of 25

Neil Sese

Si Neil Sese mismo ang pumapadyak upang mag-deliver ng orders sa kanyang seafood business, ang K&G Seafood.

advertisement
25 of 25

Derrick Monasterio

Sinimulan ni Derrick Monasterio ang home hair cut services na Quaran-Clean upang tumulong ngayong panahon na patuloy ang banta ng COVID-19. Makakapag-ingat na ang kanyang mga kliyente sa pananatili sa kanilang bahay habang nabigyan din niya ng pagkakakitaan ang salon workers na apektado ng krisis.