Celebrity Life

WATCH: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo surprise LRT goers

By Jansen Ramos

Nag-viral kamakailan ang mga larawan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na nagpe-perform sa LRT Roosevelt station, kung saan sila nagpanggap na mga bulag.

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo bring 'CoLove' to LRT Roosevelt


Kagabi, August 8, ibinahagi ng Love You Two star ang buong video ng kanilang performance sa kanyang YouTube channel para sa third episode ng Jen Survives.

Inawit nila ang mga kantang "Sinta" ng Aegis, "Remember Me" ni Renz Verano, "Kapag Tumibok Ang Puso" ni Donna Cruz, at ang 2008 single ni Jennylyn na "Kahit Sandali."

Para sa kanilang closing song, pinerform nina Jennylyn at Denis ang kanilang viral duet ng "After All," by Peter Cetera and Cher.

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's "After All" cover reaches 1M views on YouTube

Nakalikom sila ng donasyon para sa PWDs na sina Jericho at Vivian na regular na kumakanta sa naturang istasyon.

Sabi ni Jen, "Gusto naming magpasalamat sa mga tumulong na magkaroon kami ng pwesto dito, sa LRMC, maraming maraming salamat sa inyo.

"Kay Ate Vivian, kay Kuya Jericho, salamat po sa pagpapahiram ng oras n'yo. Alam ko po oras n'yo ito pero gusto naming matulungan kayo, siyempre, lahat din ng nakuha namin ay para din po sa inyo."

Panoorin ang buong vlog below:

WATCH: Jennylyn Mercado survives being a Zumba instructor for a day

Jennylyn Mercado, ipinakita ang kanyang gaming skills sa isang vlog