GMA Logo Beau Belga and Ryan Arana
Celebrity Life

RoS players Beau Belga at Ryan Araña, nagtayo ng sari-sari store habang nasa PBA Bubble

By Aedrianne Acar
Published October 2, 2020 5:36 PM PHT
Updated October 3, 2020 9:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM warns, urges public to report fake socmed pages
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Beau Belga and Ryan Arana


May pampa-good vibes ang Rain or Shine teammates na sina Beau Belga, Ryan Araña, at James Yap para sa fans nila sa Instagram.

Upang mawala ang lumbay ng mag-teammates na sina Beau Belga, Ryan Araña, at James Yap, naisip ng talo na mag-post ng isang funny video sa Instagram.

Kasalukuyang nasa Pampanga sila para sa idadaos na bubble tournament ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ipinasilip ng power forward na si Beau ang mini sari-sari store sa kuwarto nila ni Ryan.

Umani na ng mahigit sa 3,300 likes ang larawan ng sari-sari store ng dalawa.

Araña-Belga Sari Sari store now open to serve. #PBAbubble @ryanarana 😝😝😝😝

A post shared by Beau Belga (@bigbeaubelga) on

Sa isa naman video na ipinost ni Ryan sa kanyang Instagram account, ipinakita niya ang una nilang customer na walang iba kundi ang teammate nilang si PBA Finals MVP James Yap.

May mahigit sa 18,800 views na ang video na ito as of writing.

Napamangha pa si Beau nang sabihin ni James na keep the change matapos ito bumili ng laundry detergent.

Magkano ba ang binayad ni James Yap? Panoorin sa video below.

Checkout who's our 1st customer for #BelgaAraña sari-sari store. 👍 Thank you @jamesyap18 sa uulitin. 😂 Business is good @bigbeaubelga 💰👍

A post shared by Ryan Araña (@ryanarana) on

LOOK: The hot daddy of Baby Thanos, PBA cager Ryan Araña

MUST-READ: James Yap's reaction to bashers on social media