Celebrity Life

Where to find Dennis Trillo this summer


Dahil summer na, ilan sa Kapuso artists ang nag-book na ng kanilang mga summer adventures kasama ang kanilang mga pamilya o kaibigan. Isa sa mga ito ay ang aktor na si Dennis Trillo.

Ngayong Holy Week umano ay kasama niya ang kanyang pamilya sa bakasyon. “Mayroon kaming lugar kung saan kami magkakasama na pamilya, 'yun lang. Tahimik lang pero magkakasama kami,” saad ni Dennis.

Bukod sa oras na ibibigay para sa kanyang pamilya, maglalaan rin ng oras si Dennis para mag-unwind through surfing. Isa sa kanyang mga paboritong surfing destination ay ang Baler.

Kuwento ni Dennis, “medyo madalas [ako sa Baler] kasi gusto ko 'yung lugar. At saka maganda, simple lang, at saka hindi matao”.

Ibinahagi rin ni Dennis na may gagawin siyang movie para sa Cinemalaya.

Pahayag ni Dennis, “malayong malayo siya sa My Husband’s Lover, kaya ako nageeksperimento [ng look]”.

Ikinuwento rin ni Dennis ang mga bagay na kanyang ginawa para sa kanyang ‘new look’. “Medyo may bigote tapos tuloy tuloy lang sa pag-gym,” saad ng aktor.

Para sa ibang updates tungkol kay Dennis Trillo at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com