Celebrity Life

'Sana tayo ding lahat magkaroon ng happy ending' - Tom Rodriguez


Pagkatapos ng My Husband’s Lover, hindi tumigil ang suporta ng mga manonood sa tambalang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Noong isinapubliko ni Carla ang balita ng kanilang paghiwalay ni Geoff Eignemann, maraming My Husband’s Lover fans ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa TomCar tandem.

Mayroon nga bang chance maging magkasintahan ang dalawa sa totoong buhay?

“Tingnan natin. Tingnan po natin talaga,” masayang idineklara ni Carla.

Sumang-ayon si Tom sa sagot ni Carla at ipinahayag ang kanyang pagpapasalamat sa kanilang love team.

“Nagpapasalamat ako sa GMA for starting the TomCar tandem kasi dun po talaga nag-umpisa. Naumpisahan namin sa My Husband’s Lover as Lally and Vincent,” kuwento ni Tom.

Sa posibilidad naman ng pagdala ng kanilang tandem off-screen, napangiti si Tom at sinabing, “We'll never know naman eh.”

Gayunpaman, siguradong pakikiligin ulit ng TomCar ang kanilang mga taga-hanga sa kanilang pelikulang ‘So It’s You,’ na lalabas bukas, May 7.

Nakaka-relate daw ang Kapuso heartthrob na si Tom sa theme ng movie at marami siyang natutunan sa kanyang pagganap.

“Hindi man lahat ay nagtatagumpay sa unang beses sa pag-ibig, hindi ibig sabihin na we shouldn’t keep dreaming or hoping,” sabi ni Tom. “Sana tayo ding lahat magkaroon ng happy ending kasi bihira lang 'yung sinusuwerte talaga sa unang beses, [na] makaka-jackpot kaagad. So sana tayo rin na nabigo sa pag-ibig ay magkaroon din ng sarili nating happy ending.”

-- Text by Meryl Ligunas, GMANetwork.com; Interview from Walang Tulugan with the Master Showman