Celebrity Life

Quitting was not an option for Julie Anne San Jose


Julie Anne San Jose constantly strives for improvement at kahit mahaba na ang listahan ng natanggap niyang awards and recognition throughout the years, she keeps pushing herself to improve her craft.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa Platinum Princess sinabi nito na mahalaga sa kanya na maging ‘versatile’ sa lahat ng bagay, “Since nasa showbiz ako I would like to expand my capacities,”

“Explore and innovate. Alam mo kung ano 'yung mga kaya mong gawin mas dadagdagan mo pa 'yun, mas hihigatan pa and dun mo siguro mapaparactice 'yung professionalism and versatility not only as a celebrity but also as an artist as well” saad ng Kapuso Singer.

Patunay na determinado si Julie Anne na mas pagbutihan pa ay ang kabi-kabilang concert para daw mahasa pa niya ang kanyang boses. Plano din daw nito na kumuha ng workshop for dancing at patuloy din daw siya nag-eensayo na tumugtog nang piano, guitar and drums.

Pero hindi alam ng marami na muntik na mag-quit ang dalaga sa showbiz, “I almost quit. I almost quit…. Kasi si papa talaga ayaw talaga ng showbiz, kasi ayaw niya ng issue or intrigue,” ang pahayag ng Kapuso actress/singer.

Sa halip na panghinaaan ng loob mas nabuo ang hangarin ni Julie Anne na abutin ang kanyang mga pangarap, “Pero ayun sinabi ko naman this is what I want and doon ako masaya.”

“And I’m really, really passionate about what I am doing right now, at saka kumbaga dito kasi nagiging matatag talaga ako. Dito ako natuto maging matatag sa lahat ng aspeto na rin as a celebrity and as a person” nakangiti sinabi ng dalaga.

Keep on logging to www.gmanetwork.com for the latest news and happenings about your favorite Kapuso idols.

--Text by Aedrianne Acar, Photo by Bochic Estrada