
Extended ang 48th birthday celebration ng Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda.
Nitong Sabado, April 14, isang intimate at post-birthday party sa Nueva Ecija ang inihanda ni Vice para sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.
Present sa all-white themed birthday celebration ni Vice ang co-hosts niya sa It's Showtime na sina Anne Curtis, Karylle, Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Tyang Amy Perez, Darren Espanto, ang kanyang partner na si Ion Perez, at marami pang iba.
Source: amypcastillo (Instagram)
Source: amypcastillo (Instagram)
Noong March 31 ang mismong kaarawan ni Vice. Kasabay nito, inilabas niya ang kanyang 'Unkabogably Mothering' photoshoot.
Ilang araw matapos ito, isang pasabog na birthday celebration ang ginawa ni Vice sa noontime show na It's Showtime kasabay ng debut nito sa GMA.
Sa guesting naman ng It's Showtime sa game show na Family Feud noong April 8, sinorpresa rin ng game master na si Dingdong Dantes si Vice ng isang birthday cake.
“Thank you, Dong. Salamat sa Family Feud. Nakakatuwa po ito. Napaligaya n'yo po talaga ang puso ko. Salamat,” mensahe noon ni Vice.
Ang birthday wish ng Unkabogable Star, “Ang wish ko, [sana] maging magandang maganda ang relasyon natin sa ating bagong tahanan, sa GMA. At sana dumami pa ang mapapasaya nating lahat.”
Happy birthday, Meme Vice!