
Super memorable sa It's Showtime family, lalo na kay Vice Ganda, ang kanilang pagsali sa number one game show sa Pilipinas, ang Family Feud nitong Lunes, April 8.
Sa kauna-unahang guesting ng It's Showtime hosts sa isang GMA show, na-prank agad ng Feud host na si Dingdong Dantes si Vice.
Sa nasabing episode, magkalaban ang Team Vice at Team Anne.
Kasama ni Vice Ganda sa Team Vice sina Jhong Hilario, Amy Perez, and Jugs Jugueta.
Habang ka-grupo naman ni Anne Curtis sa Team Anne sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Teddy Corpuz.
Sa round one, nagharap sa central podium sina Vice at Anne.
Ang tanong ni Dingdong, “Anong song ang karaniwang kinakanta sa birthday party?”
Naunang pumindot ng buzzer si Anne, at sumagot ng “Happy birthday.”
Nang i-reveal ang sagot sa game board, nag-flash ang mga salitang “Happy birthday, Vice Ganda.”
Nang mapagtanto ni Vice na prank lang ito, kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mukha kaya napabulalas na lang ito ng “Nakakatuwa! Birthday episode ko pala ito?!”
Dito na binati ni Dingdong si Vice kasabay ng pagpapatugtog ng 'Happy Birthday' song na sinabayan ng mga tao sa studio.
“Thank you, Dong. Salamat sa Family Feud. Nakakatuwa po ito. Napaligaya n'yo po talaga ang puso ko. Salamat.”
“Ang wish ko, [sana] maging magandang-maganda ang relasyon natin sa ating bagong tahanan, sa GMA. At sana dumami pa ang mapapasaya nating lahat,” sabi ni Vice.
“Mismo! Amen! Happy birthday!,” pagsang-ayon ni Dingdong.
“So ibig sabihin, hindi talaga ito ang tanong. Back to the game,” paglilinaw ng Family Feud host.
“O! Diyos ko, kinabahan ako! Lotlot agad, first question [pa lang],” nakangiting pag-amin ni Vice na lumabas na ang pagiging competitive.
Matatandaan na nag-celebrate na ng kanyang 48th birthday si Vice nitong March 31.
RELATED GALLERY: Vice Ganda is 'Unkabogably Mothering' in ethereal birthday photoshoot
Ang napakasayang uncut, uncensored version ng It's Showtime episode ay ekslusibong mapapanood sa Family Feud social media accounts.
Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.