GMA Logo Maxene Magalona
Celebrity Life

Maxene Magalona links her being 'kalat' before to Francis M.'s death

By Kristian Eric Javier
Published July 11, 2024 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya transported to Cebu, brought to court
Sarah Discaya arrives in Cebu; up for detention in Lapu-Lapu City jail
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Maxene Magalona


Alamin ang naging healing process ni Maxene Magalona sa kanyang pinagdaanan noon dito.

“Hindi rin ako ashamed to admit na kalat ako noon and also it was because of my father's death.”

Iyan ang naging pahayag ng aktres na si Maxene Magalona, anak ng yumaong master rapper na si Francis Magalona, tungkol sa naging ugali niya noon sa kanyang panayam sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Paliwanag pa ng aktres, “Because I didn't know how to deal with it. So I turned to alcohol, I turned to partying so that I could numb the pain and then everyone was parang, I guess, pinagbibigyan ako kasi alam nilang may pinagdadaanan ako.”

Ngunit ngayon na healing na umano si Maxene, sinabi niyang hindi excuse ang sakit na nararamdaman niya sa pagpanaw ng kanyang ama ang kanyang pagiging iresponsable at pagkakaroon ng negative energy.

Sinabi rin niyang hindi excuse iyon kundi isang pagsubok at hamon na lampasan ang negative experiences. Paraan din umano ang challenges na iyon para piliin ang healing at ang tamang landas na tatahakin.

Aminado rin si Maxene na noong una, hindi naging madali para sa kanya ang makuha ang inner peace at tanggapin kung ano man ang pinagdadaanan niya noong mga panahon na iyon.

Aniya, “I felt like life was being unfair. I felt like pinagtitripan ako ng universe sa lahat ng mga pinagdadaanan ko before.”

TINGNAN ANG PAGIGING DADDY'S GIRL NI MAXENE KAY FRANCIS SA GALLERY NA ITO:

Sinang-ayunan rin niya ang sinabi ni Nelson na galit siya noon sa mundo dahil “this is what happens when we grow up with a lot of painful experiences.”

“Siyempre we all go through pain, 'di ba? But what we didn't learn when we were much younger is how to deal with that pain. Wala talagang nagturo sa atin. Kumbaga in school, we go to school to study math and science, but not really to study about our emotions and to learn about how to deal with negative energy,” sabi niya.

Ito umano ang natutunan niya noong ma-stranded siya sa Bali, Indonesia nang magsimula ang pandemic. Aniya, kumukuha siya noon ng teacher training bilang yoga instructor nang mag-lockdown, at nag-stay siya doon ng mahigit isang taon.

Sa huli, ibinahagi ni Maxene ang na-realize niya sa naging sitwasyon niya noon sa bansa, “Kahit anong makeup ang ilagay ko, kahit anong mamahaling damit at bag ang suot ko, kung hindi ka talaga okay sa loob, lalabas sa labas yan eh, makikita at magre-register sa labas.”

“So now I realized I had to go through that healing journey so that I can be who I am today,” sabi ng aktres.

Pakinggan ang part one ng interview ni Maxene dito: