GMA Logo Rufa Mae Quinto
Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, nahimatay sa U.S. noon dahil sa nerbyos at stress

By Kristine Kang
Published January 23, 2025 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Mas nilinaw na ni Rufa Mae Quinto ang kanyang kuwento tungkol sa pagkahimatay niya sa Amerika.

Maraming humanga at sumaludo sa Kapuso comedienne na si Rufa Mae Quinto sa kanyang ipinakitang tapang at lakas ng loob na harapin ang mga mabibigat niyang pagsubok sa personal na buhay.

Unang naging usap-usapan ang kanyang marital problems sa kanyang asawa na si Trevor Magallanes. Umabot ang balita na sinabing nasa proseso na noon si Trevor na makipaghiwalay na nang tuluyan kay Rufa Mae.

Sumunod naman ay noong nakatanggap ng warrant of arrest ang comedienne dahil sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code ng derma company na inindorso niya. Para makalaya, nagpiyansa ang aktres ng P1.7 milyon matapos boluntaryong sumuko ito sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sa kabila ng kanyang ipinakitang lakas ng loob sa publiko, hindi pa rin mawawala ang takot at pangangamba ni Rufa Mae para sa kanyang sarili at pamilya.

Sa isang pahayag kasama si Ogie Diaz, inamin ni Rufa Mae na naranasan niyang mahimatay sa nerbyos at stress bago umuwi ng Pilipinas galing Amerika.

"Nahimatay ako sa U.S. dahil sa sobrang nerbyos, sobrang lungkot, sobrang lahat na. Kaya iyon ang nangyari," kuwento ni Rufa Mae. "Na-[emergency call] ako."

Hindi rin kasi kumain ng maayos ang sexy comedienne sa gabing iyon kaya mas naapektuhan ang kanyang kalusugan. "Nahilo ako (habang) kinukuha ko 'yung food, kare-kare, tapos parang nilalamig na akong ganoon. Sa gutom din kasi nga syempre. Sabi ko, 'Dami ko nang kinain noong Pasko tapos pauwi na rin ako kaya kailangan ko lang magpigil kumain.' Tapos gusto ko lang yakapin ang anak ko. Alam mo 'yung kung tulog siya, gusto ko lang nandu'n ako sa tabi niya," paliwanag ni Rufa Mae.

Nakita na lang siya ng mga tao sa sahig ng hotel habang may dugo sa kanyang ulo dahil sa tama ng kanyang baba.

Sa nangyaring insidente, doon daw nagising si Rufa Mae na mas patibayin ang kanyang loob at mag-focus kung ano ang kailangan niyang gawin sa kasalukuyan.

"After this alam mo 'yung bigla na lang akong nagising na huwag na akong mamroblema," ani Rufa Mae. "Kaysa mamatay ako, gumising ako tapos sinabi ko, ' 'Yung anak ko.'"

Mas nakatuon na raw ang pansin ni Rufa Mae na isipin kung ano ang dapat niyang gawin sa bawat proseso. Mas mahirap na raw kasi kung mas alahanin ang emosyon kagaya na lang noong nangyari sa kanya sa U.S.

Sa ngayon, masaya si Rufa Mae kasama ang kanyang anak na si Athena na manirahan dito sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya. Patuloy rin nag-uusap ang mag-ina kay Trevor para alagaan nito ang relasyon niya sa kanilang anak.

Balikan ang mga naganap sa relasyon nina Rufa Mae at Trevor dito: