advertisement
Celebrity Life

LOOK: Celebrities at personalidad na nag-positibo sa gitna ng COVID-19 surge

1 of 28

Erap

Nakahinga na ng maluwag ang pamilya ni fFormer President Joseph Estrada nang mag-negatibo na ito sa COVID-19 sa huli nitong test. Nabahala ang marami sa nangyari kay Erap na kinailangang dalhin pa sa ICU matapos makita na mayroon siyang pneumonia. Noong April 16, naibalita na muling ibinalik ang former president sa ICU nang makita ng mga doktor nito na mayroon itong lung infection. Ayon sa huling report sa lagay ni Erap ay na nasa regular room na uli sa ospital at normal ang kanyang vital signs.

2 of 28

Angelica Jones

Humihingi ng dasal ang dating comedienne at Laguna provincial board member na si Angelica Jones dahil bukod sa kanya nag-positibo din sa COVID-19 ang kanyang ina at anak na si Angelo. Base sa huling post ni Angelica, nasa intensive care unit pa rin ang kanyang ina na si Beth Jones na nagka-pneumonia rin.

Maayos na ang lagay ni Angelica pati na din ang anak niya na si Angelo, matapos kumpirmahin nito sa Facebook noong April 21 na nag-negatibo na sila RT-PCR swab test.

3 of 28

Heaven Peralejo

Ibinahagi ni Heaven Peralejo ang naging COVID-19 journey niya sa isang vlog noong April 10.

advertisement
4 of 28

K- Brosas

Sumailalim sa 17 araw na quarantine ang comedienne and host na si K Brosas na nakaranas ng mild symptoms ng COVID-19. Kuwento ng magaling na entertainer, “Mild symptoms lang pero iba po 'yung mental torture o praning feels... buti sanay ako mag-isa pero iba din 'yung ang daming stress.”

5 of 28

Bo Sanchez

Isang magandang balita ang ibinahagi ng life coach and catholic author na si Bro. Bo Sanchez kahapon, April 14, matapos ipaalam niya sa followers niya sa Instagram na bumubuti na ang kanyang lagay. Matatandaan na kinumpirma nito na nag-positibo siya sa COVID-19 noong March 31.

6 of 28

Ahron Villena

Jaw-dropping ang rebelasyon ni Ahron Villena nang makapanayam ng PEP.Ph, matapos ito umamin na katatapos lamang ng kanyang isolation matapos tamaan ng COVID-19. Payo ng hunky aktor sa publiko ngayong nakakaranas tayo ng COVID-19 surge, “Kaya lahat kayo guys mag-ingat talaga kasi, sabi ko nga, hindi biro talaga 'yung na-experience ko during nandito ako at mag-isa ako dito na nakayanan ko na mag-survive.”

advertisement
7 of 28

Rhian Ramos

Hindi lamang ang Kapuso actress na si Rhian Ramos ang nagkasakit ng coronavirus disease, kundi pati na din ang kanyang road manager na si Rach Librado. May mensahe din siya sa mga taong tulad niya ay tinamaan din ng COVID-19. Saad ni Rhian, “The light at the end of the tunnel is wonderful. If you or someone you know is still going through the COVID battle, stay motivated, my friend. Keep your morale up.”

8 of 28

Glaiza de Castro

Kinumpirma naman ni Glaiza de Castro sa panayam ng '24 Oras' na isa siyang asymptomatic patient. Magaling na ang aktres sa naturang sakit at kasalukuyang nasa home province niya na Baler, Aurora.

9 of 28

Angeline Quinto

Nag-positibo din ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto sa COVID-19, matapos itong ma-expose sa isang tao na tinamdaan din ng nakakahawang sakit.

advertisement
10 of 28

Angeli Pangilinan

Tinamaan din ng COVID-19 ang misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan. Kinumpirma niya ito sa isang Instagram post noong March 21 kung saan ipinasilip niya ang kanyang mga vitamins, gamot at disinfectant na gamit habang nagpapagaling. Sa sumunod na Instagram update ni Mr Pure Energy noong April 3, masaya nitong ibinalita na napagtagumpayan na ng kanyang misis ang sakit na ito.

11 of 28

Sunshine Cruz

Hindi naging madali para sa former 'Kapag Nahati Ang Puso' star na si Sunshine Cruz nang nalaman niya na nag-positibo siya sa COVID-19. Sa isang Instagram post, sinabi nito na in denial siya matapos makuha RT-PCR test result noong March 27. Paalala niya sa mga tao, “To everyone, COVID is real! In my 43 years of existence, I've had fever, the flu, and coughs but COVID symptoms can't be compared to what I've experienced before. I am still grateful and blessed that the worst is over.”

12 of 28

Dennis Padilla

Sa Diyos na kumapit ang comedian na si Dennis Padilla, matapos maospital ng 12 araw, dahil sa COVID-19. Sa panayam niya sa radio station na DZRH, ikinuwento nito na gabi-gabi niyang nakakausap ang mga anak niya tulad ni Julia Barretto. Wika ni Dennis, "Halos every night ko sila nakakausap. She (Julia Barretto) was telling na all of them are praying hard for me...Ang paniwala ko, mukhang pinakamalakas na pakinggan ng Panginoon 'yung mga dasal ng mga anak ko. They were praying for their father.”

advertisement
13 of 28

Cheryl Cosim

Natapos na ng TV5 anchor na si Cheryl Cosim noong April 10 ang kanyang mandatory 14 day-isolation matapos mag-positibo sa novel coronavirus.

14 of 28

Bernadette Sembrano

Inanunsyo nitong April 22 ng Kapamilya anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo na nag-positibo siya sa COVID-19 sa isang video na in-upload niya sa Instagram.

Sa Araw ng Paggawa, ipinakita ng news anchor ang nakuha niyang medical certificate na nagpapatunay na gumaling na siya mula sa coronavirus.

Nag-iwan din ng paalala si Bernadette sa mga tao na kumonsulta sa mga doktor para magabayan sila sa mga gagawin kung sakaling tamaan din ng COVID-19.

Aniya, “To my roster of doctors and friends dr salvana, dr Buensalido , dr del rosario thank you .

“Talk to your doctor para magabayan kayo ng Tama. Wag manghula at para mapawi ang pangamba.”

Dating host ng late night newscast na 'Saksi' at 'Wish Ko Lang' sa GMA-7 si Bernadette.

15 of 28

Raymond Bagatsing

Inamin ni Raymond Bagatsing na hindi niya akalaing tatamaan siya ng COVID-19. Saad ng aktor, alam niyang naging maingat siya sa kanyang paglabas ngunit nagpositibo pa rin siya.

"I was also careful staying indoors most of the time unless necessary to go out; very minimal exposure. Could be when I went out of town, I didn't eat much, depended on caffeine, over workout and less nutrition - that could be when I became susceptible.”

advertisement
16 of 28

Tony Labrusca

Sa isang panayam, inamin ng aktor na si Tony Labrusca na isa siyang COVID survivor. Kuwento ni Tony, nasa kalagitnaan sila ng lockdown taping ng kanilang programa nang mag-positibo siya sa COVID-19.

17 of 28

Nikki Valdez

Nagpositibo rin sa COVID-19 ang co-star ni Tony na si Nikki Valdez at ang kanyang asawang si Luis Garcia. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ni Nikki ang kanyang mga naging karanasan.

Sabi niya, "It was so painful, we both did not know how to react. We were both just staring out the window. All we could think of was my Mom who was a senior and my daughter who lived with us."

18 of 28

Barbie Imperial

Dahil sa kinuwento ni Tony Labrusca, umamin rin ang aktres na si Barbie Imperial na tinamaan siya ng COVID-19 ngunit pinili niyang 'wag itong isapubliko.

advertisement
19 of 28

Keempee de Leon

Isa rin sa mga kasamahan ni Tony sa naturang programa ang anak ni Joey de Leon na si Keempee. Sa isang mensahe sa Instagram, nagpasalamat si Keempee sa Panginoon dahil gumaling na siya mula sa COVID-19.

20 of 28

Rica Peralejo

Nagpositibo sa COVID-19 si Rica Peralejo at ang kanyang asawang si Joseph Bonifacio. March 20, 2021 nang makumpirma ang dating aktres na tinamaan siya ng novel coronavirus. At nitong April 13, ibinalita nila na naka-recover na sila mula rito.

21 of 28

Tom Rodriguez

Naka-quarantine nang mahigit isang buwan si Tom Rodriguez matapos magpositibo sa COVID-19. Kuwento ng Kapuso actor, nakuha niya ang novel coronavirus nang mag-shoot ng pelikula out of town.

advertisement
22 of 28

Shamcey Supsup

Ang former beauty queen at kasalukuyang national director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup-Lee ay nagkaroon in ng COVID-19 kamakailan. Ibinahagi ni Shamcey ang kanyang COVID-19 experience sa isang social media post nitong September 11. Mabuti na lamang at siya ay fully vaccinated at naka-recover na mula sa COVID-19 na inilarawan niya na bilang “a really really bad flu.”

23 of 28

Miguel Tanfelix

Isa rin ang 'Voltes V: Legacy' actor na si Miguel Tanfelix sa mga celebrities na COVID-19 survivors. Hindi ikinuwento ni Miguel ang buong detalye ng kamyang COVID-19 battle sa kanyang social media post noong June 23, pero sinabi niyang fully vaccinated na siya.

24 of 28

Kim Domingo

Isa rin breakthrough case ang pagkakaroon ng COVID-19 ng 'Bubble Gang' actress na si Kim Domingo. Fully vaccinated din si Kim at noong August 30 ay sinabi niya sa kanyang IG post na bagamat wala pa rin siyang sense of taste at smell ay wala na siyang lagnat at nasa bahay lang at naka-quarantine hanggang mag-negatibo na ang kanyang test result.

advertisement
25 of 28

Love Añover

Ang 'Unang Hirit' host na si Love Añover ay isa ring COVID-19 survivor. Nitong September 11, nag-post si Love sa kanyang IG account ng medical certificate na nagsasabing natapos na niya ang 14-day isolation period at siya'y naka-recover na mula sa COVID-19.

26 of 28

Pia Wurtzbach

Ngayong 2022, nag-positibo sa COVID-19 si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kahit na siya'y fully vaccinated at mayroon nang booster shot. Sa kasalukuyan, ang Filipina-German beauty ay nasa United Kingdom, kung saan siya'y nagpapagaling mula sa nakakahawang virus.

27 of 28

Alyssa Valdez 

Ayon sa V Management Group, ang handler ni Alyssa Valdez, nag-positibo ang volleyball star sa COVID-19 at kasalukuyang nagre-recover sa kanyang tahanan.

Nagkaroon ng mild symptoms ang kilalang atleta at nakumpirma na nahawa ito sa virus matapos sumailalim sa RT-PCR test.

advertisement
28 of 28

Mikey Bustos and RJ Garcia 

Ang proud LGBTQIA+ couple na sina Mikey Bustos at RJ Garcia ay kabilang sa mga nag-positibo sa COVID-19 ngayong 2022.

Ayon sa Filipino-Canadian content creator, nag-positibo pa rin sila ng kanyang partner sa coronavirus kahit sila'y fully vaccinated at mayroon ng booster shot.