Celebrity Life

Andrea Torres, deadma na sa kanyang bashers

By MICHELLE CALIGAN

Hindi na daw pinapansin ni Kapuso leading lady Andrea Torres ang negative comments na iniiwan ng kanyang bashers sa kanyang social media accounts.

"Deadma lang ako! Okay lang, kasi tanggap ko naman na part ng work na mayroon naman talagang mga bashers," kuwento niya.

READ: 'Heart Over Hate' anti-cyberbullying video reaches millions

Dagdag pa niya, "Hindi naman ako naka-experience pa nung sobra talaga, na feeling ko kailangan ko nang patulan. As much as possible, ako talaga hinahayaan ko lang kasi opinion nila 'yun eh."

Although she chooses not to react to the mean things that her bashers say about her, Andrea hopes that cyberbullying will end.

"Siyempre mas maganda pa rin kung hindi ganun, lalo na kung bata 'yung nagsasabi, parang hindi rin maganda siyempre na may ganung pakikitungo sa ibang tao. Kahit sabihin mong artista pa 'yan, maganda kung positive lang."

MORE ON ANDREA TORRES:

#LikeAPro: Andrea Torres's 'instant' photo shoots 

What makes Andrea Torres different according to Mike Tan